Kahit na kaunting adjustment lang ang ginawa ng Riot Games sa ilang mga champions sa League of Legends: Wild Rift patch 2.3a, ang pinakamalaking pagbabago ay nasa jungle.
Ang buff sa Summoner Spell, Smite, at dalawang jungle camps ang hudyat ng simula ng pagbabago sa jungle meta.
Wild Rift patch 2.3a buffs Smite
- (New) Passive: Restores 4 mana per second while in jungle or river
Buffs to Gromp and Krugs jungle camps
Gromp
- Health decreased from 2500 to 2200
Krugs
- Ancient Krug Health decreased from 1600 to 1200
- Krug Health decreased from 600 to 500
Ayon sa Riot Games, ang layunin ng bagong passive mana regen ng Smite ay “help level the playing field between resourceless junglers and mana-hungry junglers”.
Nangangahulugan na mapapadali ang buhay ng mga junglers tulad nila Amumu, Olaf, at Gragas dahil nabawasan na ang kanilang pagre-recall para ma-replenish ang kanilang mana.
Dahil nga “significant” ang mga pagbabago sa Wild Rift patch 2.3a, magmo-monitor ng mabuti ang mga developers, lalo na sa mga pagbabago na nangyari kina Gromp at mga Krugs.
Bumaba ng 300 ang HP ni Gromp, habang ang health ng Ancient Krug ay bumaba ng 400. At dahil hindi nagbago ang respawn times, nangangahulugan itong mas pabor ito sa mga junglers na mas mabagal ang clear speed.
Malinaw na panalo si Fizz dito, dahil na-buff ang kanyang base mana regen nonng patch 2.2, habang bumaba naman ang mana cost at cooldown ng Playful / Trickster sa patch 2.3, kasabay ng iba pang pagbabago.
Bilang isang top tier jungler, makakatanggap pa si Fizz ng dagdag na mana regen mula sa Smite. Kaya kung hindi ka pa rin gumagamit ng jungle Fizz, simulan mo na, huli ka na sa party.
Tignan dito ang kumpletong detalye ng League of Legends: Wild Rift patch 2.3a.