Ligtas na nakarating sa Singapore ang Team Secret Wild Rift roster para sa kauna-unahang global tournament ng League of Legends: Wild Rift, ang Horizon Cup 2021.
Sa isang social media post, ibinahagi ng organisasyon ang larawan kung saan makikita ang mga Pinoy na manlalaro habang hawak ang watawat ng Pilipinas.
Team Secret Wild Rift, ibabandera ang SEA sa Horizon Cup 2021
Magsisilbing kinatawan ng Southeast Asia ang Team Secret, kasama ang SBTC Esports, sa nasabing turneo. Sinelyo ng dalawang koponan ang pagkakataon matapos bumida sa grand final ng Wild Rift SEA Championship 2021.
Binubuo ng 10 koponan ang Horizon Cup 2021. Bukod sa SEA, may mga pambato rin ang rehiyon ng Latin America, Brazil, Japan, North America, EMEA, Korea, at China.
Bukod sa parangal na makakamit bilang ang kauna-unahang kampeon ng global Wild Rift tournament, nakataya rin ang pinakamalaking bahagi ng USD$500,000, o PHP₱25 milyon, na prize pool para sa magwawagi.
Nakatakdang ganapin ang Horizon Cup 2021 sa Suntec Convention and Exhibition Centre sa Singapore simula sa ika-13 hanaggang ika-21 ng Nobyembre.
Team Secret Wild Rift roster para sa Horizon Cup 2021
- Eleazar “Azar” Salle
- Robert “Trebor” Mansilungan
- Heri “Tatsurii” Garcia
- Caster “Chewy” Dela Cruz
- James “Hamezz“ Santos
BASAHIN: aespa, dinala sa ‘Next Level’ ang Wild Rift SEA Championship 2021