Makikilala na ang koponang magiging kinatawan ng Pilipinas sa League of Legends: Wild Rift Women’s Division category ng paparating na 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.

Matapos ang unang phase ng qualifier, magbabakbakan na ang limang koponan para sa pagkakataon na maging parte ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas.

Narito ang mga impormasyong kailangan niyong malaman tungkol sa palaro.

Ano ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division?

Credit: Riot Games

Ang naturang paligsahan ay inorganisa ng Philippine Esports Organization (PeSO) para kilalanin ang magiging kinatawan ng bansa para sa Wild Rift Women’s Division discipline ng esports category sa susunod na SEA Games.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng Women’s division ang esports category ng nasabing bi-ennial sporting meet.

Ang teams na kasali sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Women's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL
TEAMPHASE
GGTYNaka-qualify mula sa phase 1
SpicaNaka-qualify mula sa phase 1
SHOT PUNONaka-qualify mula sa phase 1
GrindSky ErisNaka-qualify mula sa phase 1
AKANE’S D CASA LEENaka-qualify mula sa phase 1

Schedule at scores ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Women's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood

Gaganapin ang national team selection para sa women’s division ng Wild Rift simula ika-isa hanggang ika-apat ng Pebrero.

Pebrero 1-2

Upper Bracket Round 1

TEAMSCORETEAM
GGTYFFW – FFLSHOT PUNO

Upper Bracket Round 2

TEAMSCORETEAM
AKANE’S D CASA LEEFFL – FFWGGTY
GrindSky ErisFFW – FFLSpica

Lower Bracket Round 1

TEAMSCORETEAM
SpicaFFW – FFLSHOT PUNO

Lower Bracket Round 2

TEAMSCORETEAM
AKANE’S D CASA LEEFFL – FFWSpica

Pebrero 3 (Upper Bracket Finals)

TEAMSCORETEAM
GGTY1 – 2GrindSky Eris

Pebrero 4 (Lower Bracket Final at Grand Final)

TEAMSCORETEAM
GGTY2 – 0Spica
GrindSky Eris3 – 1GGTY

Format ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Women's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL

Naka-seed ang limang na koponan sa isang double-elimination bracket. Magsisimula sila lahat sa upper bracket kung saan ang lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa grand final na best-of-five.

Ang mangingibabaw na koponan sa palaro ay tatanghalin bilang ang Philippine representative sa Wild Rift Women’s Division ng SEA Games.

Talent lineup ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Women's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL

Ang mga sumusunod na Filipino talent ang magsasalaysaly sa nasabing paligsahan:

Saan mapapanood ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division

Ila-livestream sa Facebook page ng SIBOL ang mga laban sa national team selection simula sa upper bracket final.


I-follow ang opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division.

BASAHIN: SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood