Inanunsyo ng American esports organization na Sentinels ang kanilang pagpasok sa League of Legends: Wild Rift scene.

Ang esports organization ay kasalukuyang naghahanap ng mga players para sa kanilang Wild Rift roster. Ang sinumang interesado ay maaring mag-fill out ng form upang makapag-apply para sa kanilang team.

Hindi lamang ang Sentinels ang North American team na nag-invest sa mobile MOBA ng Riot Games. Kamakailan ay nag-anunsyo rin ang Cloud9 at TSM FTX ng kanilang pagpasok sa Wild Rift. Ang TSM ay bumuo ng isang Brazilian-based roster, habang ang Cloud9 naman ay mas ginustong maghanap ng local players para sa kanilang team. Inilabas nila ang kanilang roster sa unang qualifier ng Summoner Series.

Ang pag-anunsyo ng Sentinels tungkol sa kanilang pagpasok sa Wild Rift scene ay halos kasabay ng pagbubukas ng Summoner Series sa North America, kung saan nanalo ang Tribe Gaming sa unang qualifier. May oras pang maghanda ang Sentinels, dahil mayroong tatlong circuits na may tig-dalawang qualifiers. Ang bawat qualifier ay hahantong sa isang major, kung saan ang mga top teams ay makakapasok sa NA regional championship.

Ang pinakamahuhusay na teams sa NA regional championship ang silang kakatawana sa rehiyon para sa Wild Rift World Championship na gaganapin sa huling bahagi ng taon.

Ang Wild Rift ang ikalawang Riot Game na papasukin ng Sentinels matapos nitong magdomina sa Valorant scene. Ito rin ang kauna-unahang mobile game na papasukin ng organisasyon.