Isa na namang North American organization ang pumasok sa daigdig ng League of Legends: Wild Rift esports.
Inanunsyo ng Immortals ang kanilang pagsabak sa mobile multiplayer online battle arena (MOBA) title ng Riot Games. Si Gosu Hoon ang magiging unang Wild Rift pro player ng team.
Gosu Hoon pumirma sa Immortals Wild Rift team
Nagmula sa isa pang MOBA game, si Gosu Hoon ay isa nang professional Wild Rift player ng Immortals. Sya ang magiging mid laner ng team.
Si Gosu Hoon ay dating miyembro ng Team Gosu, ang kaisa-isang NA team na lumaban sa MLBB World Championship 2019 (M1 2019).
Sa anunsyo ng Immortals, pinakita ang player na naglilibot sa Los Angeles, California habang nilalaro ang game. Tampok sa clip ang kakaibang focus ni ng pro player, kung saan naglalaro sya ng Wild Rift habang naglalakad, kumakain, at nakikipaglaro ng table tennis gamit ang isang kamay.
Isang top global MLBB player si Gosu Hoon na gumagawa ng MLBB content mula pa noong 2019.
Naabot nya ang Challenger rank sa simula ng taong ito gamit ang mga champions na sina Evelynn, Oriana, at Kennen.
Mapapanood ang kanyang mga top-tier mobile MOBA plays sa kanyang Twitch channel.
Iba pang mga North American Wild Rift esports teams
Ang Immortals ang ikaapat na major NA esports team na puamsok sa esports scene ng Riot Games mobile MOBA. Ang iba pang North American Wild Rift teams ay ang TSM FTX, Cloud9, at Sentinels.