Malalaman natin ang sagot sa pinaka-unang Wild Rift SEA Championship sa September, kung saan 21 kupunan mula siyam na rehiyon ang magbabakbakan.
Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol kasama na ang mga schedule, results at kung saan mapapanood ang Wild Rift SEA Championship 2021.
Sino nga ba ang pinakamagaling na Wild Rift team sa Southeast Asia?
Ano ang Wild Rift SEA Championship 2021?
Ang Wild Rift SEA Championship ay ang epikong kongklusyon sa Wild Rift SEA Icon Series.
Bubuin ng 21 kupunan mula sa siyam na rehiyon ang gaganaping Wild Rift torneyo, na kabibilangan ng Singapore, Malaysia, Thailand, Philippines, Indonesia, Vietnam, Taiwan, at Hong Kong mula sa Southeast Asia; at Australia at New Zealand naman galing Oceania.
Wild Rift SEA Championship 2021 schedule at results
Bubuin ng tatlong stages Wild Rift SEA Championship na tinatayang gaganapin ng mid-September hanggang early October.
- Stage 1 — Play-Ins (September 14 – September 19)
- Stage 2 — Group Stages (September 23 – 26)
- Stage 3 — Main Event (September 30 – October 3)
(Antabayanan para sa Update)
Format ng Wild Rift SEA Championship 2021
Magkakaroon ng dalawang pools ng mga team ang torneyong ito.
Lahat ng rehiyon ay makatatanggap ng isang slot at direktang iimbitahan sa SEA Championship Group Stage sa Pool 1. Ang teams naman sa Pool 2 ay direktang iimbatahan para sa Play-Ins.
I-aanunsyo ang mas detalyadong fomat ng tournament sa mga susunod na araw. Habang nag-aabang, makakaasa raw ang mga fans na double elimination bracket ito ayon sa Wild Rift Esports Project Manager na si Ban “ChisinX” Chee.
Mga teams na maglalaro sa Wild Rift SEA Championship 2021
Katatampukan ang Pool 1 ng siyam na kupunang direktang inimbitahan para sa Group Stage. Ang Pool 2 naman ay lalahukan ng 12 teams para sa Play-Ins.
Makatatanggap ng extra slot ang mga rehiyon kung may kupunang makakaselyo ng Top 4 finish sa Summer Super Cup (SSC). Mas maraming naselyo na slots ang Vietnam kaysa sa Vietnam dahil nakapasok sa semifinals ang kanilang mga kinatawan na Cerberus Esports at SBTC Esports.
“If EVOS fails to finish within the top three in the SEA Icon Series TH Playoffs, it would trigger their auto qualification rights & take up the third Pool 2 spot from Vietnam,” ayon sa tweet ni ChisinX.
Wild Rift SEA Championship 2021 Pool 1 teams
- Vietnam – TBA
- Thailand – TBA
- Taiwan – TBA
- Hong Kong – TBA
- Indonesia – TBA
- Malaysia – TBA
- Philippines – TBA
- Singapore – TBA
- Oceania – TBA
Wild Rift SEA Championship 2021 Pool 2 teams
- Vietnam – TBA
- Thailand – TBA
- Taiwan – TBA
- Hong Kong – TBA
- Indonesia – TBA
- Malaysia – TBA
- Philippines – TBA
- Singapore – TBA
- Oceania – TBA
Wild Rift SEA Championship 2021 prize pool
Maglalaban-laban ang mga kupunan para sa tumataginting na US$200,000 prize pool at tiyansang maka-qualify para sa League of Legends: Wild Rift World Championship.
Saan mapapanood ang Wild Rift SEA Championship 2021
Maaaring masaksihan ng mga fans ang aksyon sa Twitch Channel ng Riot Games, gayundin sa ESL Malaysia at Thailand Twitch channels.