Matapos ang paglabas ng mga game-changing items sa patch 2.4 na nagpalakas sa mga AD carries at bruiser, narito na ang League of Legends: Wild Rift patch 2.4a para balansehin ang ilang mga bagay sa game.
Peor mukhang magiging pabor ang mga pagbabagong ito para kina Master Yi at Jax. Ayon sa Riot Games, kailangan ni Master yi ng mga buffs upang palakasin sya sa mga early skirmishes at (mas) palakasin sya sa late game.
Sa kabilang banda, ang mga buffs para kay Jax ay upang mas maging epektibo syang Baron laner sa meta kung saan sina Fiora, Renekton, at Camille ang naghahari.
Ang malakihang buffs ni Master Yi
Base stats
- Dagdag na armor per level na dating 3.5 magiging 3.9
(1) Alpha Strike
- Dagdag na bonus damage sa mga monsters na dating 75/110/145/180 magiging 90/125/160/195
(3) Wuju Style
- Dagdag na bonus true damage na dating 18/30/42/54 magiging 25/40/55/70
(Ult) Highlander
- Bawas sa cooldown na dating 85/75/65s magiging 75/60/45s
- Dagdag na movement speed na dating 25%/35%/45% magiging 35%/45%/55%
Sa tradisyunal na League of Legends PC, si Master Yi ang champion na pwedeng gamiting pantawid sa mg low ELO ranks. Hindi sya ang pinakamahusay na ganker, pero kahit pa mag-feed ang kanyang mga laners, lumalakas naman sya habang nagfa-farm at nakokontra ang jungle ng kalaban.
Isa syang epektibong assassin dahil sa Alpha Strike, na may mababang cooldown. Maaasahan sya sa pagtapos ng mga team fights at sa pagiging hard carry sa late game, parehas din ito ng sa Wild Rift.
Ang bonus damage ng Alpha Strike ni Master Yi sa mga monsters ay tumaas ng 25 sa lahat nang ranks, na nagpapabilis ng kanyang pag-clear. At ang mas mataas na armor sa bawat level ay nangangahulugang mas magiging matibay sya sa jungle.
Dagdag pa rito, ang true damage ng Wuju Style ay tumaas ng 16 sa max level, habang ang bonus movement speed naman ng Highlander ay nadagdagan ng 10% sa lahat nang ranks, nangangahulugan na triple ang inilakas nya kumpara dati.
At dahil hindi naging maganda ang bagsak ng Wild Rift patch 2.4a para sa jungle Fizz, magiging mainam na makisabay na lang sa Master Yi bandwagon, lalo na kung gusto mong makatakas sa mga lower ranks.
Magandang trade ang nakuha ni Jax sa Wild Rift patch 2.4 dahil sa Relentless Assault buff
Base stats
- Bawas sa base bonus attack speed na dating 20% magiging 10%
(P) Relentless Assault
- Makakakuha na si Jax ng 2 stacks ng Relentless Assault sa pag-atake ng mga enemy champions o minions
- Dagdag na max Relentless Assault stacks na dating 8 magiging 10
- Bawas na bonus attack speed sa bawat Relentless Assault stack na dating 3.6/4.2/4.8/5.4/6/6.6/7.2/7.8/8.4/9/9.6/10.2/10.8/11.4/12 magiging 3/3.6/4.2/4.8/5.4/6/6.6/7.2/7.8/8.4/9/9.6/10.2/10.8/11.4
(3) Counter Strike
- (New) May bawas na 25% ang matatanggap na damage ni Jax mula sa mga champions habang nasa defensive stance
May ibang mag-iisip na patas lang ang trade na ito. Bumaba ang base bonus attack speed ni Jax ng 10%, pati na rin ang bonus attack speed sa bawat Relentless Attack stack.
Subalit sa halip na isa, dalawang stacks ng Relentless Attack ang nakukuha ni Jax kapag umaatake, at ang kanyang max stacks ay tumaas at naging 10 na dating 8. Nangangahulugan na hindi lang doble ang bilis ng pag-iipon ni Jax ng stacks, meron ka pang dalawang dagdag na stacks.
“I actually think Jax might end up being an absolute nightmare in the Baron lane,” sabi ng Wild Rift shoutcaster at content creator na si Ceirnan “Excoundrel” Lowe sa kanyang patch breakdown video. “Especially because of how quickly he can potentially take down turrets.”
Mas makunat din sya pag active ang Counter Strike dahil sa bawas na 25% sa matatanggap nyang damage. Ingat na lang ang mga Baron laners!
Bisitahin ang Riot Games’ official Wild Rift page para sa karagdagang updates.