Makikilala sa Wild Rift Origin Series 2021 ang pinakamagaling na koponan sa kanluran.
Ipapakita ng torneong ito ang mga mobile MOBA talent mula sa Europe, Turkey, CIS, Middle East at North Africa ngayong buwan.
Anong ang Wild Rift Origin Series 2021?
Ang Wild Rift Origin Series ay isang intercontinental circuit ng mobile MOBA title ng Riot Games. Ang mga koponan na makakakuha ng sapat na puntos ay makakapasok sa offline Finals na gaganapin sa Stockholm, Sweden.
Ang mananalo sa Origin Series ay maseselyo ang nag-iisang slot ng rehiyon sa Wild Rift World Championship 2021.
Schedule at mga resulta sa Wild Rift Origin Series 2021
Matapos ang matagumpay na mga monthly qualifier na ginanap noong June hanggang August, sunod na gaganapin ang offline Finals ng Wild Rift Origin Series 2021.
Ang Origin Series 2021 Finals ay isang three-day event sa Stockholm na nakatakda mula September 24 hanggang September 26.
GROUP STAGE (September 24)
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Unicorns of Love | 1 — 0 | Rix.GG |
Game-Lord | 1 — 0 | Natus Vincere |
Team Queso | 0 — 1 | Unicorns of Love |
Rix.GG | 1 — 0 | Natus Vincere |
Team Queso | 0 — 1 | Game-Lord |
Unicorns of Love | 1 — 0 | Natus Vincere |
Rix.GG | 0 — 1 | Game-Lord |
Natus Vincere | 0 — 1 | Team Queso |
Game-Lord | 1 — 0 | Unicorns of Love |
Rix.GG | 0 — 1 | Team Queso |
SEMIFINALS (September 25)
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Game-Lord | 2 — 3 | Team Queso |
Unicorns of Love | 0 — 3 | Rix.GG |
FINALS (September 26)
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Team Queso | 4 — 1 | Rix.GG |
Format ng Wild Rift Origin Series 2021
Ang anim na kasaling koponan ay hahatiin sa dalawang grupo.
Ang group stage ay lalaruin na may best-of-one, double-round robin format kung saan ang top two mula sa bawat grupo ay aabante sa knockout stage.
Samantala, ang knockout stage ay may single elimination format. Ang semifinals ay best-of-five habang ang grand finals ay best-of-seven.
Teams sa Wild Rift Origin Series
Ito ang mga koponan na pag-aagawan ang kampeonato sa Origin Series 2021:
- No Team No Talent
- Team Queso
- Game-Lord
- Unicorns of Love
- Natus Vincere
- CUT Esports
Prize pool sa Wild Rift Origin Series 2021
Ang Origin Series ay mayroong US $345,000 (higit P17 million) na prize pool at makukuha ng kampeon ang lion’s share nito.
Saan mapapanood ang Wild Rift Origin Series 2021?
Maaaring mapanood ang Origin Series sa mismong Twitch channel nito at Youtube channel ng League of Legends: Wild Rift.
Basahin ang orihinal na katha.