Natapos na ang Fall Season ng 2021 Icon Series sa buong Southeast Asia, at alam na natin ang lahat ng teams na lalahok sa Wild Rift SEA Championship 2021.
Siyam na rehiyon ang sasali sa Wild Rift SEA Championship 2021, at ang mga ito ay Thailand, Malaysia, Philippines, Taiwan, Hong Kong, Vietnam, Singapore, Indonesia, at Oceania.
Magsisimula ang mga teams sa Pool 1 sa Group Stage, habang ang mga teams na nasa Pool 2 ay uumpisahan ang Play-ins Stage.
Ito ang lahat ng mga teams na lalahok sa Wild Rift SEA Championship 2021
*Pool 1, mga mayroong direktang imbitasyon sa group stages
REGION | TEAM |
Vietnam | SBTC Esports* Divine Esports Saigon Phantom Team Flash |
Thailand | EVOS Thailand* Buriram United Esports Invate Esports |
Taiwan | ONE Team* Flash Wolves Looking for Daddy |
Hong Kong | SVP* QWQ |
Indonesia | MBR Esports* BOOM Esports |
Malaysia | Geek Fam* Berjaya Dragons |
Philippines | Team Secret* FENNEL Adversity |
Singapore | The Alliance* Banana |
Oceania | Azure Esports* |
Maguumpisa ang tournament sa September 14 kasama ang mga play-ins, habang ang group stages ay maguumpisa sa September 23.
Up for grabs ang tumataginting na US$200,000 prize pool at isang pagkakataon para makapag-qualify sa kaunaunahang League of Legends: Wild Rift World Championship sa taong ito.
Panoorin ang 2021 Wild Rift SEA Championship sa Twitch Channel ng Riot Games at sa lokal na Twitch channels ng ELS sa Malaysia at Thailand.