Nagtanghal ang Korean girl group na aespa sa grand final ng Wild Rift SEA Championship 2021.

Pinerform ng sikat na grupo ang kanilang hit single na “Next Level” sa opening ceremony ng nasabing turneo. Bagamat ginanap online ang paligsahan, napanood ang apat na miyembro live sa isang entablado.

Ang grand final ng Wild Rift SEA Championship ay pinagbidahan ng SBTC Esports mula Vietnam at pambato ng Pilipinas na Team Secret. Tagumpay ang mga Vietnamese sa nasabing turneo matapos ungusan ang mga Pinoy sa iskor na 3-1.

Kilalanin ang aespa, ang K-pop group na nasa ‘Next Level’

aespa
AE-Karina and Karina Credit: SM Entertainment

Ang aespa ay isang K-pop girl group ng SM Entertainment. May apat itong miyembro na sina Karina, Ningning, Winter, at Giselle.

Sikat ang aespa dahil sa kanilang mga AE (æs) o visual counterpart. Ang bawat miyembro ay may sariling avatar — AE-Karina, AE-Ningning, AE-Winter, and AE-Giselle. Sa katunayan, ang “ae” sa aespa ay nangangahulugang Avatar at Experience.

aespa
Credit: SM Entertainment

Ang mga avatar na ‘to ay nakikita sa mga music video ng grupo, kabilang na ang kanilang debut song na “Black Mamba” at latest single na “Next Level“.

Inaasahang isang bop nanaman ang hatid ng grupo sa kanilang comeback song na “Savage“.