Mariing ipinahayag ni Archeny, mid laner ng Buriram United Esports, na hindi sila maaaring magkamali sa kanilang match laban sa Team Flash ng Vietnam sa Upper Bracket Semifinals ng Wild Rift Champions Southeast Asia (WCS Finals 2022).
Nakaabot ang Thunder Castle sa Upper Bracket Semifinals matapos nilang talunin ang mga kinatawan ng Singapore at Malaysia na SEM9 sa score na 3-0, subalit kakailanganin na nilang harapin ang Team Flash na tumalo naman sa FENNEL Adversity sa nakaraang round.
Kailangang mag-ingat sa Team Flash sa WCS Finals 2022 ayon kay Archeny
“Our availability is 80% now because there is still some pressure when we face international teams,” sabi ni Archeny.
“I see Vietnam’s Team Flash as the most watchable team because they play quite aggressively, I’ve met his line-up a lot and beat him in Rank quite a bit when they meet tight every game.”
“Against Team Flash, we have to play neater, play with errors and try to find as many errors as possible for the opponents.”
Nakatanggap ng talo ang Buriram United Esports sa kamay ng Team Flash ng Vietnam noong April 30 sa score na 2-3.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.