Dala ng League of Legends: Wild Rift patch 2.4 ang malaking pagbabago sa gameplay at mahabang listahan ng mga bagong items.

Sa 10 items na ipinakilala sa patch, anim dito ang magiging malaki ang epekto sa AD carry builds. Dagdag dito, marami sa mga items na ito ang nagpapalakas ng bonus critical strike, kaalinsabay pa ng mga adjustment sa mga marksmen champions.


Nagdiriwang ang AD carry spellcasters sa Essence Reaver

Credit: Riot Games

Essence Reaver 

  • Total Cost: 3100g
  • Builds from Caudfield’s Warhammer (1200g) + Cloak of Agility (1000g) + 900g
  • 40 AD
  • 25% Critical Rate
  • 25 Ability Haste
  • Unique — Essence Flare: Ang mga damaging active abilities at empowered attacks ay nagbibigay ng 10 bonus physical damage +70% Critical Rate. Ang parehong ability ay maaari lamang maka-trigger ng effect ng isang beses sa bawat unique target per cast.
  • Unique — Mana Siphon: Nagbabalik ang attack ng 2% missing mana on-hit.

“Essence Reaver is a new core item for mana-hungry crit users that are looking to deal damage beyond just critical hits, but with their abilities too,” sulat ng Riot Games tungkol sa League of Legends: Wild Rift patch 2.4 notes.

Tampok  sa Essence Reaver ang abilidad nitong maibalik ang mana sa pagtama ng attack, at empowered na susunod na atake.

Kaya naman panalo sa patch na ito ang mga AD carries na umaasa sa kanilang spells at kumukurot ng auto attack sa pagitan ng mga ito tulad ng Lucian, Ezreal, Xayah, Miss Fortune at Corki. Karugtong nito, binubuksan din ng Essence Reaver ang critical strike build path dahil sa karagdagang 25% crit chance.

Sa halip na bumuo ng Blade of the Ruined King dahil sa kawalan ng opsyon dati, maaari na ngayong bumuo ng Essence Reaver, Infinity Edge at additional ttack speed item ang mga AD carry para ma-hit ang 75% crit chance katulad ng sa League of Legends PC.


Swak para kina Lucian at Ezreal ang Serylda’s Grudge

Credit: Riot Games

Serylda’s Grudge

  • Total Cost: 3000g
  • Builds from + Caulfield’s Warhammer (1200g) + Last Whisper (1300g) + 500g
  • 40 AD
  • 15 Ability Haste
  • 30% Armor Penetration
  • Unique — Bitter Cold: Papabagalin ng 30% ng 1 second ang mga nabigyan ng ability damage.

Kung gagawing reperensya ang League of Legends PC, tipikal na binubuo ng AD carry ang Serylda’s Grudge sa dalawang rason: Armor penetration at ang slow effect nito.

Ang bagong item na ito sa Wild Rift patch 2.4 ay siguradong magiging kapaki-pakinabang sa mga team composition na kulang o walang healing champion na samakatuwid ay hindi rin nangangailangan ng pagbuo ng Grevious Wounds.

Kung gamit ang AD carry na si Ezreal na lamang sa laro, maaaring piliin ang Serylda’s Grudge kontra sa Iceborn Gauntlet para mas makating kite ability, lalo na kung hindi naman masyadong kailangan ng defensive stats/

Kapag naman maniobra ang Lucian, sikat ang build kung saan sinasamahan ang Serylda’s Grudge ng Essence Reaver sa League of Legends PC. Ang slow effect ng Bitter Cold ay nag-proproc din ng ultimate ni Lucian na The Culling, kung saan binibigyan siya ng opsyon na mag-kite ng kalaban o simulan ang mga engagements.


Papalakasin ng Stormrazor ang Graves at Tristana

Credit: Riot Games

Stormrazor

  • Total Cost: 2900g
  • Builds from Cloak of Agility (1000g) + Kircheis Shard (900g) + 1000g
  • 25 AD
  • 25% Critical Rate
  • 20% Attack Speed
  • Passive – Energized: Ang paggalaw at pag-atake ay mag-gegenerate ng Energized Attack.
  • Passive – Paralyze: May bonus na 50-120 magic damage ang Energized Attack. Papabagalin din nito ang kalaban ng 75% sa loob ng 0.5 seconds.

Galing din sa League of Legends PC, pinakatampok sa item na. Stormrazor ang passive nitong nagbibigay ng bonus magic damage at saglit na slow effect sa kalaban habang gumagalaw ang champion na may hawak nito.

“It’s a pretty solid AD carry item… Unfortunately, it doesn’t provide you many great stats for an AD carry,” ani ng content creator at shoutcaster na si  Ceirnan “Excoundrel” Lowe sa kaniyang Wild patch 2.4 breakdown video.

Si Graves ang numero unong user ng item na ito, gayundin si Tristana na umaasa dito para makaraos sa mid-game. Pinaliwanag ni Excoundrel na isang situational, two-item AD carry combo ang Stormrazer. Aniya, pinalalakas nito ang melee champions tulad nina Tyndamere at Master Yi para makahabol sa mga kalabang targets.

Kumpletong listahan ng mga bagong items na magiging kapaki-pakibanabang para sa mga AD carries sa Wild Rift patch 2.4:

  • Essence Reaver
  • Navori Quickblades
  • Serylda’s Grudge
  • Stormrazor
  • Solari Chargeblade
  • Wit’s End

Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa mga bagong items na ito, basahin ang Wild Rift patch 2.4 notes  dito.

BASAHIN: Gumamit nang Target Lock Filtering, ang pinaka-swabeng feature sa Wild Rift patch 2.4