Makikilala na ang koponang magiging kinatawan ng Pilipinas sa League of Legends: Wild Rift Men’s Division category ng paparating na 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Matapos ang unang phase ng qualifier, magbabakbakan na ang walong koponan para sa pagkakataon na maging parte ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas.
Narito ang mga impormasyong kailangan niyong malaman tungkol sa palaro.
Ano ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division?
Ang naturang paligsahan ay inorganisa ng Philippine Esports Organization (PeSO) para kilalanin ang magiging kinatawan ng bansa para sa susunod na SEA Games.
Binubuo ito ng walong koponan, pito ay mula sa open qualifier, habang ang isa naman ay directly invited.
Ang teams na kasali sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division
TEAM | PHASE |
Fennel Adversity | Directly invited sa phase 2 |
Fervent Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
GIGA | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Liyab Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Kosa Nostra | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Nigma Galaxy | Naka-qualify mula sa phase 1 |
GrindSky Esports | Naka-qualify mula sa phase 1 |
LF Adoption | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Schedule at scores ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division
Ginanap ang unang phase ng qualifiers noong ika-21 ng Enero. Ang ikalawang phase naman, kung saan makikilala ang national team para sa SIBOL Wild Rift Men’s division ay nakatakdang iraos simula ikalawa hanggang ika-isa hanggang ika-apat ng Pebrero.
Pebrero 1-2
Upper Bracket Round 1
TEAM | SCORE | TEAM |
Fennel Adversity | 1 – 2 | GIGA |
Kosa Nostra | 1 – 2 | LF Adoption |
Liyab Esports | 1 – 2 | Nigma Galaxy |
GrindSky Esports | 2 – 0 | Fervent Esports |
Lower Bracket Round 1
TEAM | SCORE | TEAM |
Fennel Adversity | 2 – 0 | Kosa Nostra |
Liyab Esports | 2 – 0 | Fervent Esports |
Upper Bracket Round 2
TEAM | SCORE | TEAM |
GIGA | 0 – 2 | LF Adoption |
Nigma Galaxy | 0 – 2 | GrindSky Esports |
Lower Bracket Round 2
TEAM | SCORE | TEAM |
Nigma Galaxy | 1 – 2 | Fennel Adversity |
Liyab Esports | 2 – 1 | GIGA |
Pebrero 3 (Upper Bracket Finals at Lower Bracket Semifinal)
TEAM | SCORE | TEAM |
LF Adoption | 2 – 0 | GrindSky Esports |
Fennel Adversity | 2 – 1 | Liyab Esports |
Pebrero 4 (Lower Bracket Final at Grand Final)
TEAM | SCORE | TEAM |
GrindSky Esports | 1 –2 | Fennel Adversity |
LF Adoption | 3 -0 | Fennel Adversity |
Format ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division
Naka-seed ang walong koponan sa isang double-elimination bracket. Magsisimula sila lahat sa upper bracket kung saan ang lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa grand final na best-of-five.
Ang mangingibabaw sa palaro ay tatanghalin bilang ang Philippine representative sa Wild Rift Men’s Division ng SEA Games.
Talent lineup ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division
Ang mga sumusunod na Filipino talent ang magsasalaysaly sa nasabing paligsahan:
Saan mapapanood ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division
Ila-livestream sa Facebook page ng SIBOL ang mga laban sa national team selection simula sa upper bracket finals at lower bracket semifinals.
I-follow ang opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division.