Isinama sa unang pagkakataon ang League of Legends: Wild Rift sa mga medal event sa esports category ng 31st Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Hanoi, Vietnam.
Hinati ang SEA Games Wild Rift tournament sa men’s at women’s division na pareho namang sinalihan ng Sibol, ang national esports team ng Pilipinas. Binabandera ng Oasis Gaming (dating kilala bilang LF Adoption) ang Sibol sa event na ito matapos nilang magwagi sa national team selection noong Pebrero.
Kasali rin sa SEA Games Wild Rift men’s division ang host nation Vietnam (na kinakatawan ng WCS FInals 2022 champion Team Flash), Thailand (Buriram United Esports at EVOS Esports TH), Malaysia (SEM9), Singapore (RSG at Team Watermelon), Laos (Team EVO) at Myanmar (Burmese Ghouls).
Narito ang mga detalyeng kailangan mong malaman patungkol sa 31st SEA Games Wild Rift men’s division.
Schedule at mga resulta sa 31st SEA Games Wild Rift men’s division
MEDAL | BANSA |
GOLD | Vietnam |
SILVER | Thailand |
BRONZE | Singapore |
Group Stage Standings
Group A
KOPONAN | RECORD |
Vietnam | 6-0 |
Singapore | 4-2 |
Myanmar | 2-4 |
Laos | 0-6 (disqualified) |
Group B
KOPONAN | RECORD |
Thailand | 4-0 |
Malaysia | 2-2 |
Pilipinas | 0-4 |
May 13 – Group Stage Day 1
KOPONAN | SCHEDULE/RESULTA | KOPONAN |
Vietnam | 1-0 | Myanmar |
Laos | 0-1 | Singapore |
Singapore | 0-1 | Vietnam |
Laos | 0-1 | Myanmar |
Vietnam | 1-0 | Laos |
Singapore | 1-0 | Myanmar |
Thailand | 1-0 | Pilipinas |
Thailand | 1-0 | Malaysia |
Malaysia | 1-0 | Pilipinas |
May 14 – Group Stage Day 2
KOPONAN | SCHEDULE/RESULTA | KOPONAN |
Pilipinas | 0-1 | Thailand |
Malaysia | 0-1 | Thailand |
Pilipinas | 0-1 | Malaysia |
Singapore | 1-0 | Laos |
Myanmar | 0-1 | Vietnam |
Myanmar | 1-0 | Laos |
Vietnam | 1-0 | Singapore |
Laos | 0-1 | Vietnam |
Myanmar | 0-1 | Singapore |
Semifinals
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Thailand | 3 – 1 | Singapore |
Vietnam | 3 – 0 | Malaysia |
Bronze Medal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Singapore | 3 – 0 | Malaysia |
Gold Medal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Thailand | 0 – 3 | Vietnam |
Format ng 31st SEA Games Wild Rift men’s division
Ayon sa Liquipedia Wild Rift, ang pitong koponan ay hahatiin sa dalawang grupo. Ang Group A ay may apat na koponan samantalang ang Group B naman ay may tatlo.
Sa group stage, maglalaban-laban ang mga koponan sa double round robin, one-game format. Ibig sabihin, dalawang beses magtatapat ang mga magkakagrupo.
Ang top two teams sa bawat grupo ay makakapasok sa Final Stage (Playoffs). Ang semifinals, bronze medal match at gold medal match ay pare-parehong best-of-five series.
Saan mapapanood ang 31st SEA Games Wild Rift men’s division
Mapapanood ang mga bakbakan sa opisyal na YouTube channel ng 31st Southeast Asian Games.
Maaari niyong abangan ang mga update sa Facebook page ng Sibol para sa kanilang Wild Rift men’s squad.
Pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at istorya patungkol sa Sibol national esports team sa 31st SEA Games.