Hinarap ng RRQ ang Flash Wolves sa Wild Rift Champions Southeast Asia (WCS Finals 2022), mula sa kanilang sa kanilang dominanteng 3-0 sweep laban sa Persis Esports sa upper bracket quarterfinals.
Ang Taiwanese team ang nangibabaw sa nasabing paghaharap sa score na 3-2 at nagpadala sa RRQ papuntang lower bracket. Subalit hindi basta-bastang natapos ang series nang walang matatalinong plays na nasaksihan mula sa RRQ.
Nag-pop off ang jungler na si Charles “Chazz” Esguerra gamit ang kanyang Irelia sa Game 3, kung saan nakagawa siya ng isang nakakabilib na Baron steal na bumaligtad ng takbo ng laban para sa Flash Wolves.
RRQ Chazz gumawa ng nakakabilkib na Baron steal laban sa Flash Wolves sa WCS Finals 2022
Tutok na tutok ang lahat nang nanonood sa Game 3 ng nakakakabang best-of-five series sa pagitan ng RRQ at Flash Wolves.
Maagang kumuha ng kalamangan ang RRQ dahil sa limang kills at 2,500 gold lead sa five-minute mark. Subalit sa pagpapatuloy ng laban, unti-unting humabol ang Flash Wolves upang agawin ang kalamangan matapos mangibabaw sa ilang team fights na nagsilbing parusa para sa mga pagkakamali at kakulangan sa follow-ups ng Filipino squad.
Hindi na maganda ang itsura ng kapalaran ng RRQ pagdating sa 25-minute mark, at handa na ang Flash Wolves na tapusin ang usapan sa pamamagitan ng pagpatay kay Baron Nashor, subalit hindi basta-basta susuko ang King of Kings.
Sumugod sa loob ng pit ni Baron Nashor si Chazz gamit ang Flash spell na sinamahan ng Bladesurge ni Irelia. Sinundan niya ito ng Vanguard’s Edge at Smite upang masiguro ang matagumpay na Baron steal sa harap mismo ng mga kalaban.
Sa kasamaang palad ay naipit sa post-Baron fight chase ang Diana ng mid laner ng Flash Wolves na si Chiu “Bruce” Chih-Chun, habang nabura naman sa mapa ang Camille ng kanilang Baron laner na si Wang “Ysera” Tsung-Chih matapos subukang sirain ang Nexus ng RRQ.
Sa pagkawala ng dalawang players, ramdam na ng RRQ ang paglipat ng momentum sa kanilang team.
Walang sinayang na oras ang RRQ sa paggamit ng Hand of Baron buff, na nagbigay lakas sa kanilang mga minions at tumulong sa kanilang itumba ang mga tore ng Flash Wolves upang ipanalo ang Game 3.
HInirang na Player of the Game si Chazz na may 78 percent kill participation at 4.67 KDA.
Haharapin ng RRQ ang Thai team na Buriram United Esports sa Lower Bracket Semifinals sa May 6, 5 p.m. GMT+8.
Panoorin ang WCS Finals broadcast nang live sa Wild Rift Esports Twitch at YouTube channels.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.