Sinimulan na ng Riot Games ang pagsasagawa ng last leg ng kanilang regional qualifiers para sa darating na League of Legends: Wild Rift World Championship 2021 (Wild Rift Worlds).
Ang LPL Qualifier ng China ay nakatakdang ganapin ngayong buwan. Heto ang mga kailangan niyong malaman tungkol sa torneo.
Ano ang Wild Rift LPL Qualifier 2021
Malalaman sa WR LPL Qualifier kung sino ang magrerepresenta sa rehiyon sa paparating na Wild Rift Worlds 2021. Dalawang koponan ang kakatawan sa China sa naturang torneo.
Nauna nang nakapasok ang Da Kun Gaming sa kauna-unahang WR Worlds matapos mag-kampeon sa Spark Invitational 2021.
Schedule at mga resulta sa Wild Rift LPL Qualifier 2021
Ang qualifier ay tatakbo sa loob ng tatlong linggo. Nakatakda itong maganap mula September 11 hanggang October 1.
(Ia-update)
Format ng Wild Rift LPL Qualifier 2021
Iaanunsyo ng Riot Games ang gagamiting format sa naturang torneo.
(Ia-update)
Mga koponang sasabak sa Wild Rift LPL Qualifier 2021
Maipapakita ng lahat ng mga koponan sa LPL Summer 2021 ang kani-kanilang Wild Rift roster sa qualifier na ito. 17 teams ang magbabanggaan sa torneo kabilang na ang LPL Warm Up Cup 2021 champions Oh My God.
- Bilibili Gaming
- EDward Gaming
- FunPlus Phoenix
- Invictus Gaming
- JD Gaming
- LGD Gaming
- LNG Esports
- Oh My God
- Rare Atom
- Rogue Warriors
- Royal Never Give Up
- Suning
- Team WE
- ThunderTalk Gaming
- Top Esports Lance
- Ultra Prime
- Victory Five
Prize pool ng Wild Rift LPL Qualifier 2021
Ang prize pool ng qualifier ay iaanunsyo habang papalit ito. Bukod sa premyong pera, ang mananalong koponan ay makakakuha ng slot sa Wild Rift Worlds.
(Ia-update)
Saan mapapanood ang Wild Rift LPL Qualifier 2021?
Maaaring mapanood ang torneo sa mga social channel ng Riot Games. Bisitahin ang opisyal na Wild Rift Weibo account para sa mga karagdagang impormasyon at update.
Makikita ang orihinal na article dito.