Masasaksihan sa unang pagkakataon ang League of Legends: Wild Rift bilang isang medal event sa esports category ng 31st Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Hinati ang SEA Games Wild Rift tournament sa men’s at women’s division na parehong sinalihan ng Sibol, ang national esports team ng Pilipinas.

Irerepresenta ng GrindSky Eris ang Pilipinas sa women’s division matapos nilang pangibabawan ang national team selection noong Pebrero. Binubuo ang koponan nila Christine Ray “Rayray” Natividad (captain-midlaner), Charize Joyed “Yugen” Doble (ADC), Giana Joanne “Jeeya” Llanes (support), Rose Ann Marie “Hell Girl” Robles (baron), April Mae “Aeae” Valiente (jungler) at Angel Danica “Angelailaila” Lozada (jungler, substitute).

GrindSky Eris, pambato ng Sibol sa 31st SEA Games Wild Rift women's division
Credit: GrindSky Esports

Makakaharap ng Sibol sa SEA Games Wild Rift women’s division ang host nation Vietnam (na kakatawanin ng VGaming Ladies), Thailand (Space Gamer Kallyx), Singapore (Team OK) at Laos (Team EVO).

Narito ang iba pang mga detalye patungkol sa 31st SEA Games Wild Rift women’s division.


Schedule at mga resulta sa 31st SEA Games Wild Rift women’s division

Credit: SEA Games
MEDALBANSA
GOLDPilipinas
SILVERSingapore
BRONZEThailand

Group Stage – May 17 (Martes)

Credit: ONE Esports

Standings

KOPONANRECORD
Pilipinas4-0
Vietnam3-1
Singapore2-2
Thailand1-3
Laos0-4

Mga laban

KOPONANSCHEDULE/RESULTAKOPONAN
Vietnam1 – 0Laos
Pilipinas1 – 0Thailand
Laos0 – 1Thailand
Pilipinas1 – 0Singapore
Laos0 – 1Singapore
Vietnam1 – 0Thailand
Laos0 – 1Pilipinas
Singapore0 – 1Vietnam
Vietnam0 – 1Pilipinas
Singapore1 – 0Thailand

Playoffs – May 18 (Miyerkules)

Semifinals

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Pilipinas3-1Thailand
Vietnam0-3Singapore

Bronze medal match

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Thailand3-1Vietnam

Gold medal match

KOPONANSCHEDULEKOPONAN
Pilipinas3-0Singapore

Format ng 31st SEA Games Wild Rift women’s division

Credit: SEA Games 31 YouTube channel
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Hahatiin ang 31st SEA Games Wild Rift women’s division sa dalawang bahagi–ang group stage at playoffs.

Ang limang kasaling koponan ay magbabakbakan sa isang single round-robin format sa group stage. Aabante ang top four teams sa playoffs habang ang bottom squad ay matatanggal sa torneo.

Lahat ng serye sa playoffs (semifinals, bronze medal match at gold medal match) ay best-of-five.


Saan mapapanood ang 31st SEA Games Wild Rift women’s division

Credit: SEA Games

Mapapanood ang mga bakbakan sa opisyal na YouTube channel ng 31st Southeast Asian Games. Maaari niyong abangan ang mga update sa Facebook page ng Sibol para sa Wild Rift women’s squad ng Pilipinas.

Ayon sa kilalang Wild Rift caster na si Autolose, may initial development na magkakaroon ng Filipino broadcast. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito matutuloy dahil hindi pumayag ang SEA Games organizing body, ayon sa isa pang kilalang caster na si Shinboo.


Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at istorya patungkol sa Sibol national esports team sa 31st SEA Games.