Kinoronahan na ng 2021 Wild Rift: SEA Icon Series Vietnam ang kanilang kampeon para sa Summer Season – SBTC Esports.

Maliban sa prize money sa halagang US$35,000, binigyan din ng SEA Icon Series Vietnam ang SBTC Esports ng isang kakaibang tropeo para gunitain ang kanilang panalo. 

Niregaluhan ng SEA Icon Series Vietnam ang SBTC Esports Ezreal ng isang glove

Credit: SEA Icon Series Vietnam

Maaring maalala mo dito ang Infinity Gauntlet ni Thanos, ngunit kumuha ito ng inspirasyon sa glove ng League of Legends: Wild Rift marksman champion na si Ezreal.

Naisip, nadisenyo, at ginawa ang tropeo sa Vietnam. Isa rin ang Ezreal sa mga kampeon na pinili ng SBTC Esports sa grand final.

“We are pleased to honor the collective SBTC Esports team with enthusiasm and relentless efforts to build the foundation of this tournament,” isinulat ng Riot sa isang Facebook post.

Irerepresenta ng SBTC Esports ang Vietnam sa 2021 Summer Super Cup 

Tinambakan ng SBTC Esports and Cerberus Esports, 4-0 sa SEA Icon Series VN Summer Season Finals.

Credit: SEA Icon Series Vietnam

Bilang kaunahang kampeon ng SEA Icon Series VN Summer Season, ang SBTC Esports kasama ang runner-up na Cerberus Esports, ay rerepresentahin ang Vietnam sa paparating na Summer Super Cup na gaganaping ngayong June. 

Abangan ang mga detalye tungkol sa Summer Super Cup.