Handa ka na ba sumayaw sa mga talim? Darating na si Irelia sa Wild Rift sa susunod na patch!
Lalabas na si Irelia sa Wild Rift
Ang 67th champion ng League of Legends: Wild Rift ay walang iba kundi si Irelia, ang Blade Dancer. Siya ay isang fighter champion na madalas ginagamit sa top lane sa League of Legends.
Matapos ito ilabas, tiyak na magiging mas magulo at fun ang Baron Lane.
Hindi katulad ng ibang mga kampeon na dinala sa Wild Rift at iniba para maging mas mainam na fit sa mobile platform, mukhang hindi nila babaguhin ang abilidad ni Irelia, ayon sa video na nilabas ng Riot Games.
Masasalin kaya nang mabuti ang skillset ni Irelia sa mobile?
Hindi maiiwasan maisip ng mga Wild Rift players ang tanong na ito: gaano kaganda ang kit ni Irelia sa mobile, dahil siya ay isang high skill cap champion sa PC version?
Sa trailer, makikita natin ang Wild Rift version niya na isinasagawa ang mga abilidad niya tulad ng Bladesurge, na hinahayaan siyang mag dash at slash, at ang Flawless Duet na nagda-damage at stun ng mga kalaban.
Habang madali lang mag slash ng mga low-health units habang naglalaro sa mobile, tingin namin na magiging mahirap I-position ang Flawless Duet niya dahil sa kasalukuyang camera at movement settings ng laro.
Ilalabas ng Riot Games ang kanilang Wild Rift Patch 2.3 dev diary sa katapusan ng May, at tatalakayin nito kung paano nila gagawing mas accessible ang ionian girl na ito para sa mga players.
Inaasahang ilalabas si Irelia sa June 2021.