Mukang ang professional Wild Rift scene ang susunod na kabanata ng esports career ng retiradong League of Legends player na si Hong “MadLife” Min-gi.

Namataang naglalaro sa isang amateur Wild Rift tournament ang South Korean streamer kasama ang dating Azubu Frost head coach na si Kang “OnAir” Hyun-hong.

MadLife sa isang amateur Wild Rift tournament
Credit: 강현종

Bagamat wala pang opisyal na desiyon si MadLife, ilan sa kanyang pagpipilian upang makapasok sa eksena ay ang pagbuo ng sarili niyang Wild Rift team o maglaro para sa LCK Wild Rift esports roster ng T1 o Gen.G.

Kilalanin si MadLife, ang Thresh ng mundo

MadLife
Credit: Riot Games

Ang muka ni MadLife ang kadalasang unang pumapasok sa isip tuwing mababanggit ang support champion na si Thresh. Kilabot sa LoL pro scene ang kanyang mga hook at lantern lalo na noong unang seasons ng laro.

Ilan sa kanyang mga nakamit bilang manlalaro ay ang dalawang kampeonato sa North America Challenger Series noong 2017. Kabilang din siya sa roster ng Azubu Frost na nagtapos sa ikalawang puwesto sa League of Legends Season 2 World Championship.

Nag-retire si MadLife sa pro scene noong 2018 at sumali sa LCK bilang bilang analyst matapos ang isang taon.

Ngayon, abala ang pinakamagaling na Thresh player sa mundo sa pag-stream ng Tekken 7, Minecraft, at syempre, League of Legends sa kanyang Twitch channel.