Sa kabila ng lahat ng mga pagbabago sa mga champion na hatid ng Wild Rift patch 2.3b, hindi maipagkakaila na ang pinakamalaking panalo ay napunta kay Irelia, ang pinakabagong Ionian na dumagdag sa pool.
Kilala bilang isang high-skill champion mula sa PC version nito, pinadali naman lalo ng Riot Games ang paglalaro sa kanya ngayong nasa mobile na ito. Pinataas ang kakayahan niyang mag-heal laban sa mga minions habang pinasakit din ang kanyang overall damage.
Ang mga buffs kay Irelia sa Wild Rift patch 2.3b
Base stats
- Base mana regen pinataas mula 15 naging 18
First ability – Bladesurge
- Base damage pinataas mula 10/40/70/100 naging 15/45/75/105
- Healing Attack Damage ratio pinataas mula 0.14/0.16/0.18/0.2 naging 0.19/.021/0.23/0.25
Third ability – Flawless Duet
- Base damage pinataas mula 70/120/170/220 naging 100/150/200/250
Ultimate – Vanguard’s Edge
- Barrage base damage pinataas mula 125/225/325 naging 125/250/375
- Blade wall damage pinataas mula 75/125/175 naging 100/150/200
Gaano na kalakas si Irelia sa Wild Rift patch 2.3b?
Makabuluhan ang dagdag limang base damage sa lahat ng antas at healing ratio sa kanyang Blade Surge.
Mas pinalakas pa dito ay ang kanyang crowd control ability na Flawless Duet, na may karagdagang 30 damage sa lahat ng antas kung mapapatama.
Sa parehong Wild Rift patch 2.3b, nerf naman ang inabot ng base armor nina Katarina, Twisted Fate, at Ziggs na mula 35 at naging 30. Tanyag na magic damage champions ang tatlong ito, pero lalo lang lumakas si Irelia laban sa mga nasabing mid laners, salamat sa mga pagbabago.
Dahil sa mga buffs na ito, mas mainam na paghandaang laruin o makatapat si Irelia sa mid o Baron lane.
Ang buong Wild Rift patch 2.3b ay matatagpuan sa link na ito.