36 all-female Southeast Asian teams ang naglaban-laban sa FSL Wild Rift Open II noong nakaraang linggo, at isang natatanging Corki Special Delivery maneuver ang nakatanggap ng matinding atensyon.

Sa lower bracket semifinals, ginawa ng Space Gamer Kallyx ng Thailand ang imposible – nilaglag nila ang FSL Wild Rift Open I champions, ang Nexplay Tempest ng Pilipinas.

Pero ang mas magandang kwento ay kung paano nila nagawa ‘yon.

Paano na-pressure ng Space Gaming Kallyx ang Nexplay Tempest

Umaasa ang Space Gamer Kallyx sa kanilang jungler na Vi para gumawa ng mga aggressive moves sa early game para makapag-scale ang kanilang mid lane na Corki at Dragon Lane na Ezreal. Pinag-initan ng Vi ni Joule ang Challenger ranked star AD carry ng Nexplay na si Chabi, at nahuli nya itong nasa maling position ng ilang beses.

18 minutes sa best-of-one, wala pa ring makuhang kill ang Nexplay Tempest, habang may anim naman ang Space Gamer Kallyx. Alam nilang kailangan nilang kumilos para manatili sa game, sa sandaling nakita ng Nexplay Tempest ang mga kalaban na nakapalibot sa Mountain Elder Dragon, sumalisi sila sa Baron.

WildRift FSLWildRiftOpenII NexplayTempest SpaceGamerKallyx Baron
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang ultimate Corki Special Delivery sa Baron pit

Pero dahil sa limited vision sa map, hindi alam ng Nexplay Tempest kung ilang miyembro ng Space Gamer Kallyx ang nasa Elder. At dahil walang wards, hindi nila nakikita ang nasal abas ng Baron pit.

Nang bumaba na sa 2,600 ang health ng Baron, nag-flash papasok ng pit ang garen ni ANDY, na sinundan naman ni Namhom ng Corki Special Delivery.

Bitbit ang The Package sa isang delikadong 2v5, dalawang beses sinagasaan ng Corki ni Namhom ang Nexplay Tempest para sa isang double kill. Isang clutch Zhonya naman ang nagpahaba ng buhay nya habang naghihintay na dumating ang kanyang backup.

Nag-flash si Namhom para kumuha ng mas magandang posisyon para sa isa na naming Corki Special Delivery upang tapusin ang laban na may nakakabilib na quadra kill.

Bukod pa dito, naagaw ng Garen ni ANDY ang Baron para siguruhin ang panalo ng Space Game Kallyx.

Ang mga Thai representatives ay umusad para harapin ang EVOS Savage Girl ng Vietnam, ngunit sa kasamaang palad ay natalo sa lower bracket semifinals.


Maaring i-follow ang team sa Space Gamer Kallyx at FSL Mobile Games sa Facebook.