EVOS Esports ang kamyon ng 2021 Wild Rift Summer Super Cup, ang finale ng Summer Season ng SEA Icon Series.
Dominante ang EVOS Esports sa kabuuan ng group stages ng torneyo na nagpatuloy hanggang sa grand finals kung saan pinataob nila ang ONE Team Esports ng Taiwan.
Inuwi nila ang tumataginting na USD $25,000 kasama ang titulo ng pagiging unang international champions ng Wild Rift.
Kinuha ng EVOS Esports ang kampyonato sa kapana-panabik na 5-game series
Parehong solido ang ipinakita ng dalawang kupunan sa limang laro ng grand finals matchup.
Perpekto ang kombinasyon ng Hextech Ultimatum ng Camille na minaniobra ni EVOS Athip “Thipper” Thungsam kasama ang Mega Inferno Bomb ng Ziggs ni Nuttapong “G4” Menkasikan sa game 1. Ipinamalas ni Thipper ang kaniyang mataas na lebel ng map-awareness na nagbigay sa EVOS ng kalamangan sa mga team fights.
Sa game 2 at game 3, nakabwelo ng maayos ang ONE Team Esports kung saan bida ang Gragas ni ONE Team KiD na paulit-ulit na ginamit ang Explosive Cask para parusahan ang agresibong call shots ng EVOS.
Inamin din ng EVOS na hirap sila kay ONE Team BaiYa na maestro sa paggamit ng Corki. Kaya naman hindi pinakawalan ng EVOS ang Corki sa game 4 at game 5 na nagbigay daaan sa kanilang agresibong plays.
Sa Game 4, ang Olaf ni Prasittichai “Valdus” Jiadchat ang naging susi para paurungin ang ONE Team sa kanilang base. Ang kilabot na dala ni Valdus ang siyang nagbigay buhay sa EVOS para tablahin ang serye sa 2-2.
Tampok naman sa final game ng grand finals ang palitan ng dalawang matikas na kupunan. Unang nakaselyo ng Baron Nashor at first inhibitor turret ang ONE Team, ngunit binawian naman sila ng EVOS na nakuha ang Elder Dragon at ang sumunod na Baron.
Ito rin ang nagbigay ng kumpiyansa sa EVOS na sukubin ang base ng Taiwanese team. Kahit pa sinubukang pigilan ito ng ONE ay hindi nila kaya ang kargada ng EVOS na tinapos ang dramatikong bakbakan para nakawin ang kampyonato.
Teamwork makes the dream work ani ng EVOS Esports
Kombinasyon ng mga beterano at magagaling na rookies ang isinabak ng EVOS Esports sa international na torneyo.
Ang presensya ng League of Legends pro player na si G4 ang naging dahilan kung bakit agaw-pansin ang kupunan na ito. Ang dating itinuturing na “the shining star of Thai League of Legends” ang siya ring nagbigay ng akmang experience at skills na nakatulong ng malaki sa dominanteng pagpapakita ng kupunan sa Summer Super Cup.
Ang coach naman ng EVOS na si Juckkirsts “Lloyd” Kongubon ay dating katambalan ni G4 sa League of Legends eksena. Binaggit ni G4 na ang experience na dal ani Lloyd bilang pro player ang nagbigay daan sa kaniya para maging magaling na coach dahil naiintindihan niya ang tumatakbo sa isipan ng mga pro players.
“We previously had a coach who was quite harsh,” banggit ni G4 sa isang panayam kasama ang ONE Esports Thailand. “And Lloyd knows that adopting that same style would affect these players negatively. Personally, I think he manages the team well as we work together with ease.”
Sa kabilang banda naman, kinilala ng shoutcaster na si TJ si EVOS Valdus bilang “best jungler in Wild Rift” kahit pa baguhan pa lamang ito sa eksena. Ang kaniyang tambalan kasama si Thipper ang susi sa maraming panalo na natamo ng kupunan kaya naman madaming analysts ang pumuri sa kaniya.
“We are the closest because we play rank together a lot,” sabi ni Valdus. “But it goes for the whole team. Our team’s biggest advantage is our communication. That’s why we can move as one in-game.”
Ang winning roster ng EVOS ay binubuo nina:
- Athip “Thipper” Thungsam (Thipper)
- Prasittichai “Valdus” Jiadchat (Jungler)
- Nuttapong “G4” Menkasikan (Mid lane)
- Jirapat “CatSatan” Khawmee (Dragon lane)
- Anusak “Miracle” Manpadung (Support)
- Juckkirsts “Lloyd” Kongubon (Coach/Captain)
Ang mga kupunan galing Vietnam at Taiwan ang pinakamahirap na nakatapat ng EVOS Esports
Una ng naging top team sa SEA Icon Series Thailand ang EVOS Esports at marami ang nagpalagay na sila rin ang mananaig sa Summer Super Cup.
Isang beses lang natalo ang EVOS Esports sa group stages kung saan hinabag sila ng Team Secret ng Pilipinas. Sa playoffs, winalis ng Thai team ang Alliance mula Singapore sa score na 3-0, at pinadapa ang SBTC Esports ng Vietnam sa score na 3-1.
Inamin ng kupunan na talagang nahirapan sila sa kanilang mga salpukan kontra sa mga kupunan galing Taiwan at Vietnam. Ang pinakamahirap sa lahat, ani ng team, ay ang ONE Team Esports.
“We never played against ONE Team Esports before,” banggit ni Valdus. “We saw some of their plays from other streams, but they have different styles of play against different teams. Plus, their team fighting is really strong.”
Anong susunod para sa EVOS Esports?
Pagkatapos ng magisi nilang break, babalik sa training ang EVOS Esports bilang paghahanda sa SEA Icon Series Fall Season. Sinabi din ni Anusak “Miracle” Manpadung na madami pang kailangang i-improve ang kupunan.
“We need to widen our champion pool, especially since other teams have already seen us play,” sabi ni Miracle sa ONE Esports.
Binanggit din ni G4 na nakatuon ang pansin ng buong kupunan sa kumpirmadong Wild Rift World Championship na gaganapin sa huling bahagi ng taong ito.
READ MORE: Wild Rift Summer Super Cup 2021: Format, schedule, results, standings, qualified teams