Kahit pa halimaw na sa solo queue, hindi pa sapat para sa Riot Games ang performance ng Draven. Banggit ng mga developers, “underperforming” pa nga raw ang Glorious Executioner kaya naman regalo ang dumating na Wild Rift patch 2.3b para sa mga Draven mains.
Ang kargada niyang early game damage at lane domination kontra sa kahit sinong marksman sa laning phase ang siyang naging rason para hirangin ang champion bilang hari ng dragon lane.
Ang mga buff kay Draven sa Wild Rift patch 2.3b
Second ability – Blood Rush
– Dinagdagan ang movement Speed galing 40/45/50/55% na ngayon ay 50/55/60/65% na.
Third ability – Stand Aside
-Binawasan ang cooldown mula 18/16/14/12s patungong 15/14/13/12s na lamang.
Kahit pa hindi nadagdagan ang base damage ni Draven, malaking bagay ang ibinigay na 10% karagdagan sa movement speed. Sa mas mabilis na movement speed, mas magiging agresibo ang game play ng champion dahil sa kapasidad na manghabol at iwasan ang mga skillshots.
Iisa lang ang sagot para sa Glorious Executioner sa dragon lane: huwag magpapatay. Ngayong mas pinatikas pa siya sa Wild Rift patch 2.3b, maaasahang magiging mas mahirap gawin ito ng kalabang marksmen at enchanter supports sa laning phase.
Ang nag-iisang crowd control ability ni Draven na Stand Aside ay nabigyan din ng matinding adjustrment. Malaki ang tatlong segundong menos sa cooldown ng ability na ito na siguradong magpapataas ng tiyansang maka-set up ng kill ang champin sa lane.
“Honestly, I’m not sure Draven needed the buff,” sabi ng Wild Rift content creator at shoutcaster na si Ceirnan “Excoundrel” Lowe in his Wild Rift patch 2.3b rundown. “I think Draven is obnoxious to play against”
I-click ang link na ito para sa buong patch notes ng Wild Rift patch 2.3b.