Dumating na sa wakas ang Wild Rift esports sa North America! Salamat sa Nerd Street Gamers at Wisdom Gaming, lalarga na ang 2021 Wild Rift Summoner Series bilang ang kauna-unahang opisyal na Wild Rift tournament sa rehiyon.

Malaking hakbang ang Summoner Series para sa mobile gaming scene ng NA

Ito ang unang beses na makikipagsapalaran ang Nerd Street sa mobile gaming. Ayon kay Stephen Csikos, Vice President ng Epsorts Operation sa Nerd Street, importanteng hakbang daw ito para sa mobile space ng North America.

“We believe that expanding into mobile esports will help further increase awareness and drive participation among a wide, more diverse consumer base,” ika ni Csikos.

Noong nakaraang Mayo, nauna nang i-produce ng Wisdom Gaming ang Battle for the Rift, kung saan inuwi ng Natus Vincere ang kampeonato.

Battle for the Rift Bracket
Credit: Wisdom Gaming

Sambit din ng CEO ng Wisdom Gaming na si Mike Zweigbaum na gutom pa ang kanyang team para sa mga Wild Rift content.

“As big Riot fans, we are honored to be a part of building the Wild Rift esports community,” sabi Zweigbaum. “We’re excited to collaborate with Nerd Street on such a big project. We both love Wild Rift and hope to foster this growing scene.”

Dahil mayroon nang karanasan ang parehong organizers na humawak ng ibang esports titles, naniniwala si Riot Games ang kanilang long-standing partnership kasama ang dalawang organisasyon ay magbubunga ng matagumpay na 2021 Wild Rift Summoner Series.

“We are confident that the expertise that Nerd Street and Wisdom Gaming bring to the table will create a seamless, integrity-driven competitive experience for our players in the 2021 Wild Rift Summoner Series,” sabi ni Chris Greeley, Head of Esports para sa NA at OCE sa Riot Games.

2021 Wild Rift Summoner Series format

Magkakaroon ng tatlong circuit ang 2021 Wild Rift: Summoner Series at ang bawat isa ay may qualifier at Major. 32 koponan mula sa open qualifiers ang magkakaroon ng pagkakataon na umabante papunta sa Major tournaments.

Walong koponan naman mula sa Major tournaments ang seselyo ng spots para sa Championship Finals. Aalamin pa ang schedule para sa Championship Finals.

2021 Wild Rift Summoner Series Prize Pool

US$50,000 ang kabuuang prize pool na nakataya para sa 2021 Wild Rift Summoner Series. Magtatapos ang bawat tatlong Circuit sa isang Major tournament, kung saan may US$5,000 prize pool.

Magkakaroon naman ang Championship Finals ng US$35,000 prize pool.

2021 Wild Rift Summoner Series Schedule

2021 Wild Rift Summoner Series Schedule and Format
Credit: Nerd Street

Ang sumusunod ang schedule para sa 2021 Wild Rift: Summoner Series:

Unang Circuit

  • Hulyo 26-27 – Open Qualifier 1 – Ang top 4 teams ay makaka-qualify sa Major 1
  • Agosto 2-3 – Open Qualifier 2 – Ang top 4 teams ay makaka-qualify sa Major 1
  • Agosto 7-8 – Major 1 – Ang top 4 teams ay makaka-qualify sa Major 2

Ikalawang Circuit

  • Agosto 16-17 – Open Qualifier 1 – Ang top 2 teams ay makaka-qualify sa Major 2
  • Agosto 23-24 – Open Qualifier 2 – Ang top 2 teams ay makaka-qualify sa Major 2
  • Agosto 28-29 – Major 2 – Ang top 2 teams ay makaka-qualify sa Championship Finals – Ang top 3-6 top ay makaka-qualify sa Major 3

Ikatlong Circuit

  • Setyembre 6-7 – Qualifier 1 – Ang top 2 teams ay makaka-qualify sa Major 3
  • Setyembre 13-14 – Qualifier 2 – Ang top 2 teams ay makaka-qualify sa Major 3
  • Setyembre 18-19 – Major 3 – Ang top 4 teams ay makaka-qualify sa Championship Finals

Last Chance Qualifier

  • Oct 1-3 LCQ – Top 2 teams Qualify into Champs

Ang lahat ng qualifier matches ay gaganapin simula 5:00 a.m. GMT +8. Nakatakdang ianunsyo sa mga susunod na araw ang broadcast times para sa mga Major tournaments.

Tumutok sa Nerd Street Gamers at Wisdom Gaming para sa mga updates ukol sa 2021 Wild Rift Summoner Series.