Ang dating legendary AD carry ng Royal Never Give Up na si Jian “Uzi” Zi-Hao, na nag-retire mula sa professional League of Legends noong nakaraang taon, ay isa nang co-owner ng bagong esports organization na UFG Esports Club.
Ito ay itinatag nya kasama ang 21-anyos na Chinese celebrity na si Fan Chengcheng, isang Mandarin singer, rapper, at actor na parte ng boy group na “Nine Percent”, at ng “NEX7” ng Yuehua Entertainment.
Uzi at Fan Chengcheng magkasamang itinatag ang UFG Esports Club, at nagre-recruit ng players para sa League of Legends: Wild Rift pro team
Ang anunsyo ay nasa official Weibo account ng UFG Esports Club, kasama ng isang recruitment exercise para sa League of Legends: Wild Rift.
Ang UFG Esports Club ay kasalukuyang naghahanap ng professional Wild Rift players upang bumuo ng bagong team, at ayon sa nakasulat sa Weibo, sila ay nandito “to give you the opportunity to make your dreams a reality”.
Ayon sa poster, tumatanggap sila ng applications mula sa mga players na may achievements sa tatlong magkakaibang games base sa mga sumusunod na requirements:
- League of Legends: 300 points and above sa Challenger sa Chinese super server o South Korean server na may malalim na pag-unawa at kaalaman sa laro
- Honor of Kings: Top 300 bago ang Q-zone top competition at may magandang mechanics
- Wild Rift: Top 100 sa server, unlimited champion pool, at may high proficiency
Dagdag pa dito, ang mga aplikante ay dapat 16 na taon pataas, at handang umangkop sa high pressure esports environment at lifestyle na may kasamang streaming.
Matapos magparamdam na magbabalik na sya sa pro play, ito na ba ang bagong esports career path ni Uzi?