Sino nga ba ang pinakamalakas na Wild Rift team sa Land of the Rising Sun ngayon?
‘Yan ang tanong na nais sagutin ng Wild Rift Japan Cup dahil titipunin nito ang pinakamagagaling na MOBA players sa iisang stage para malaman kung sino ang magiging kinatawan ng bansa sa paparating na Wild Rift World Championship.
Ano ang Wild Rift Japan Cup 2021?
Ang Wild Rift Japan Cup 2021 ay isang regional qualifier na kikilala sa koponang makaka-qualify sa League of Legends: Wild Rift World Championship ngayong taon.
Wild Rift Japan Cup 2021 schedule at results
Nakatakdang ganapin ang palaro simula ika-11 ng Setyembre hanggang sa ika-26 ng parehong buwam.
Bago ito, lalarga din ang July, August, at Lsat Chance stages ng Japan Cup.
(I-a-update pa lang ang mga schedule at score.)
Format ng Wild Rift Japan Cup 2021
Nahahati sa dalawang phase stage ang Japan Cup 2021: ang Group Stage at ang Knockout Stage.
Ang format ng group stage ay single round-robin kung saan ang lahat ng serye ay best-of-three.
Lalong mag-iinit ang kompetisyon pagpsaok sa Knockout Stage kung saan iasasabak ang mga kalahok sa single-elimination format.
Lahat ng laro sa semifinal ay best-of-three, pwera sa grand final na best-of-five.
Ang mga team sa Wild Rift Japan Cup 2021
Pasok agad sa main event ng Japan Cup ang mga koponang magwawagi sa mga stage.
Dalawang koponan ang makaka-qualify mula sa July at August stage, habang ang natitirang apat na team naman ay makakapasok mula sa Last Chance stage.
Narito ang listahan ng mga qualified team sa Japan Cup main event:
- Killer Gaming
- Donuts USG
- TBA
- TBA
- TBA
- TBA
- TBA
- TBA
Wild Rift Japan Cup 2021 prize pool
Tampok sa Wild Rift tournament ng Japan ang US$60,000 na prize pool.
Mag-uuwi ang hihiranging kampeon ng US$36,000, ang pinakamalaking bahagi ng papremyo, at ito rin ang mabibigyan ng pagkakataon na ibandera ang watawat ng Japan sa Wild Rift World Championship.
Saan mapapanood ang Wild Rift Japan Cup 2021?
Maaaring subaybayan ang Japan Cup 2021 sa opisyal na Twitch channels ng Riot Games Japan.