Sa League of Legends: Wild Rift patch 2.4b update, dalawang champion ang nadagdag kalakip ng mga kadalasang champion buff at nerf, mga item adjustment at mga bagong skin.

Si Brand ang pinakabagong mage sa Wild Rift na pwedeng gamitin sa mid lane o kaya bilang support sa Dragon lane. Sa kabilang banda, si Nunu & Willump naman ay nabubuhay sa jungle at pag-gank gamit ang kanyang lumalaking snowball pabangga sa mga kalaban.


Mga bagong champion sa Wild Rift patch 2.4b

Brand, the Burning Vengeance

Brand Arc Light skin in Wild Rift patch 2.4b
Credit: Riot Games

(P) Blaze

  • Sinusunog ni Brand ang kanyang mga target gamit ang kanyang mga spell at may damage ito sa loob ng apat na segundo na pwedeng mag-stack nang tatlong beses.
  • Kapag nakapatay si Brand ng kalaban habang ito ay nasusunog, nakakakuha siya ng mana. Kapag nakaabot siya ng max stack sa isang Champion o large monster, nagiging unstable ito. Sasabog ito matapos ang dalawang segundo, mag-a-apply ang mga spell effect at magkakalat ng malaking damage sa area sa palibot ng biktima.

(1) Sear

  • Maglalabas si Brand ng bolang apoy na nagdi-deal ng magic damage. Kung ang target ay nasusunog, mai-stun ito ng Sear sa loob ng 1.5 segundo. 

(2) Pillar of Flame

  • Matapos ang maiksing delay, gagawa si Brand ng Pillar of Flame sa isang target area at magdi-deal ng damage sa mga kalaban sa loob nito. Ang mga unit na nasusunog ay tatanggap ng karagdagang 25% damage.

(3) Conflagration

  • Maglalabas si Brand ng isang malakas na pagsabog na magic damage sa kanyang target na kumakalat sa mga kalapit na kalaban. Kung ang target ay nasusunog, ang pagkalat ng Conflagration ay doble.

(Ult) Pyroclasm

  • Magpapakawala si Brand ng mapanirang torrent ng apoy na tumatalbog nang limang beses mula kay Brand at mga kalapit na kalaban at may magic damage ito sa mga kalaban sa bawat pagtalbog. Inuuna ng pagtalbog pag-stack ng Blaze sa mga champion. Kapag ang target ay nasusunog, saglit itong papabagalin ng Pyroclasm. 

Ire-release si Brand sa September 9. 

Nunu & Willump, the Boy and his Yeti

Credit: Riot Games

(P) Call of the Freljord

  • Pinapataas ni Nunu ang attack speed at movement speed ni Willump at isang kalapit na kakampi, at pinapalakas nito ang mga basic attack ni Willump para mag-damage sa mga kalaban sa palibot ng target.

(1) Consume

  • Kakagat si Willump sa isang minion, monster o kalaban na champion, magdi-deal ng damage at ihi-heal ang sarili.

(2) Biggest Snowball Ever!

  • Gagawa si Willump ng snowball na lumalaki at bumibilis habang pinapagulong ito. Ang snowball ang nakaka-damage at knock up ng mga kalaban. 

(3) Snowball Barrage

  • Magbabato si Nunu ng maraming snowball na nakaka-damage sa mga kalaban. Kapag tapos na siya, niru-root ni Willump ang sinumang champion o large monster na tinamaan ng snowball. 

(Ult) Absolute Zero

  • Gagawa si Nunu & Willump ng napakalakas na blizzard sa isang area na nakakapagpabagal sa mga kalaban at nagdi-deal ng malaking damage sa pagtatapos nito.

Ire-release ang tambalang Nunu & Wilump sa September 9.


Mga bagong skin sa Wild Rift patch 2.4b

Credit: Riot Games

Ilalabas sa September 2:

  • Jade Dragon Wukong
  • Gatekeeper Galio
  • Popstar Ahri

Ilalabas sa September 9:

  • Arclight Brand
  • Spirit Fire Brand
  • Grungy Nunu & Willump
  • Zombie Slayer Nunu & Willump

Mga bagong accessory sa Wild Rift patch 2.4b

  • Baubles: Dumpster Fire, I’m Just Warming Up
  • Icons: Branded, Yeti of the Tales
  • Recalls: Fire and Ice
  • Icon Borders: Elemental Differences
  • Emotes: Proud of Myself, Wakey Wakey

Ang mga accessory ay unti-unting ilalabas sa loob ng patch.


Frost and Flame event sa Wild Rift patch 2.4b

Ang dalawang anak ng Freljord — isa na kinaibigan ang halimaw at isa na naging halimaw. Dalawang makapangyarihang elemento — ang una ay ginagamit para makakilha, ang pangalawa para makasira. 

Kumpletuhin ang mga daily mission para makakuha ng mga token na pwedeng gamitin sa event shop para sa mga nagbabaga at malalamig na reward!

Ang Frost and Flame event ay magsisimula sa September 9.


Mga pagbabago sa mga champion sa Wild Rift patch 2.4b

Ahri

(2) Fox Fire

  • (Bugfix) Ang movement speed ay maayos nang magde-decay over time.

Akali

Credit: Riot Games

(P) Assassin’s Mark

  • Binawasan ang movement speed mula sa 50% pababa sa 30%
  • Binawasan ang base damage mula sa 40-180 pababa sa 28-140

Akshan

Credit: Riot Games

(1) Avengerang

  • Pinataas ang base damage mula sa 5/30/55/80 naging 5/35/65/95

(3) Heroic Swing

  • (Bago) Pwede nang mag-critical ng 150% damage ang kanyang mga tira

(Ult) Comeuppance

  • (Bago) Ang damage per tick ay tumataas bawat crit chance hanggang sa 50% sa 100% crit: (20/25/30 + 12.5% AD) x (1 + 50% Critical Rate) – (80/100/120 + 50% AD) x (1 + 50% Critical Rate)

Gragas

Credit: Riot Games

Base Stats

  • Binawasan ang armor level mula sa 4.7 pababa sa 4.3, 106 pababa sa 101 sa level 15

(1) Barrel Roll

  • Binawasan ang base damage mula sa 80/130/180/230 pababa sa 65/120/175/230
  • Binawasan ang slow mula sa 40/45/50/55% to 30/35/40/45%

(2) Drunken Rag

  • Pinataas ang cooldown mula sa 4.5s patungong 5s

Katarina

Base Stats

  • Pinababa ang base health mula 650 patungong 570

Kennen

Credit: Riot Games

(1) Thundering Shuriken

  • Pinataas ang base damage mula 75/130/185/240 patungong 85/140/195/250

(2) Electrical Surge

  • Pinataas ang on-hit bonus damage mula 10/20/30/40 + 60% Bonus AD + 20% AP patungong 25/35/45/55 + 70/80/90/100% Bonus AD + 25%AP

(3) Lightning Rush

  • Pinataas ang bonus attack speed mula 40/50/60/70% patungong 50/60/70/80%

Kha’Zix

Credit: Riot Games

Base Stats

  • Binawasan ang base health regen mula 9 pababa sa 7.5

(1) Taste Their Fear

  • Pinababa ang base damage mula 60/95/130/165 → 50/85/120/155

(2) Void Spike

  • Binawasan ang healing mula 55/90/125/160 pababa sa 40/75/110/145

Master Yi

Credit: Riot Games

Base Stats

  • Binawasan ang health per level mula 115 pababa sa 105

(3) Wuju Style

  • Pinababa ang bonus true damage mula sa 25/40/55/70 patungong 22/34/46/58

(Ult) Highlander

  • Pinataas ang cooldown mula sa 75/60/45s patungong 80/70/60s

Rakan

Credit: Riot Games

(2) Grand Entrance

  • Base damage dinagdagan mula 70/140/210/280 patungong 80/150/2

(3) Battle Dance

  • Bonus shield amount kapag ginamit kay Xayah binawasan mula 200% pababa sa 125%

(Ult) The Quickness

  • Movement speed dinagdagan mula 50% patungong 60%

Soraka

Credit: Riot Games

(1) Starcall

  • Binawasan ang rejuvenation buff duration sa sarili mula 4s pababa sa 2s
  • Binawasan ang rejuvenation total heal mula sa 72/90/108/126 + 45%AP pababa sa 50/70/90/110 + 35%AP

(2) Astral Infusion

  • Binawasan ang rejuvenation buff duration sa kakampi mula 4s pababa sa 2s

Thresh

Credit: Riot Games

Base Stats

  • Base health dinagdagan mula 570 patungong 610
  • Base health regen dinagdagan mula 7.5 patungong 11

(P) Damnation

  • Base soul drop rate dinagdagan mula 33% patungong 40%; bad luck protection hindi binago

(2) Dark Passage

  • Shield strength dinagdagan mula 55/110/165/220 patungong 65/115/165/215

(3) Flay

  • Passive charge time binawasan mula 10s patungong 6s

Wukong

(1) Golden Staff

  • (Tinanggal) 80% healing reduction modifier kapag umaatake ng minion

Xin Zhao

Base Stats

  • Binawasan ang base armor mula sa 40 pababa sa 35
  • Binawasan ang base health mula sa 650 pababa sa 610

Mga pagbabago sa ARAM sa Wild Rift patch 2.4b

Evelynn

  • Dinagdagan ang damage dealt mula 5% pataas sa 10%

Galio

  • Dinagdagan ang damage received mula -5% pataas sa 0%

Gragas

  • Binawasan ang damage received mula -15% pababa sa -5%

Kha’zix

  • Dinagdagan ang damage received mula -15% pataas sa -20%

Nami

  • Dinagdagan ang damage received mula 5% pataas sa 10%
  • Pinataas ang reduced healing mula sa 5% patungong 10%

Rakan

  • Binawasan ang damage received mula -15% pababa sa -5%

Rengar

  • Dinagdagan ang damage received mula -15% pataas sa -20%

Senna

  • Binawasan ang damage received mula 0% pababa sa -10%
  • Pinataas ang reduced healing mula 0% patungong 5%

Thresh

  • Binawasan ang damage received mula 0% pababa sa -15%

Mga pagbabago at adjustment sa mga item sa Wild Rift patch 2.4b

Credit: Riot Games

Solari Chargeblade

  • Binawasan ang ability haste mula 25 pababa sa 15
  • Binawasan ang base damage mula 26 – 40 True Damage pababa sa 24 – 52 Magic Damage
  • Binawasan ang max damage mula 65 – 100 True Damage pababa sa 60 – 130 Magic Damage

Warmog’s Armor

  • Binawasan ang Warmog’s Heart trigger condition mula 2500 maximum health pababa sa 950 bonus health

Awakened Soulstealer

  • Dinagdagan ang AP mula 65 pataas sa 70

Haunting Guise

  • Madness: Binawasan ang max damage amplification mula 10% pababa sa 6%
  • Binawasan ang damage amplification per second mula 2% pababa sa 1.2%

Liandry’s Torment

  • Madness: Binawasan ang max damage amplification mula 10% pababa sa 6%
  • Binawasan ang damage amplification per second mula 2% pababa sa 1.2%
Credit: Riot Games

Luden’s Echo

  • Dinagdagan ang ability haste mula 10 pataas sa 20
  • Dinagdagan ang AP mula 80 pataas sa 85

MGa pagbabago sa rune sa Wild Rift patch 2.4b

Keystone: Font of life

  • Binawasan ang allied healing AP ratio mula 40% pababa sa 30%
  • Binawasan ang self-healing AP ratio mula 20% pababa sa 10%

Free-to-play champion rotation sa Wild Rift patch 2.4b

September 2 hanggang September 8: Akali, Draven, Jax, Kha’Zix, Miss Fortune, Orianna, Rakan, Senna, Shyvana, Singed

September 9 hanggang September 15: Amumu, Braum, Dr. Mundo, Lucian, Nami, Rengar,Teemo, Xayah, Yasuo, Ziggs

Subaybayan ang mga pinakabagong balita tungkol sa Wild Rift sa official page ng Riot Games.

Ito’y pagsasalin sa Filipino ng akdang ito.