Nerfed na ang S-tier na Baron laner na si Garen sa kalalabas lamang na Wild Rift patch 2.3b.

Ani ng Riot games, masyado raw consistent ang damage output na dala ng tank Garen na kahit blind pick sa pro play ay gumagana pa rin ito.

Inilagay ng Wild Rift patch 2.3b ang lakas ng champion sa AD role.

Mga adjustments kay Garen sa Wild Rift patch 2.3b

Third ability – Judgement

  • Binawasan ang base damage galing 15/20/25/30 patungong 11/14/17/20 na lang.
  • Dinagdagan ang AD ratio mula 0.25/0.3/0.35/0.4 papuntang 0.3/0.35/0.4/0.45 

Ultimate – Demacian Justice

  • Binawasan ang base damage mula 150/300/450 na ngayon ay 150/275/400 na lang.
  • Binawasan ang missing health percentage damage mula 20/25/30% na ngayon ay15/20/25% +8% per 100 bonus AD
  • Capped na ang max damage sa epic monsters sa 600/600/600.
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang kaniyang spin to win na ability na Judgement ay mas mahina ngayon sa mga huling levels. Pinalitan naman ito ng pinataas na AD ratio.

Ang Demacian Justice ultimate ay nerfed din ang base damage pagdating ng mga huling levels. Malaki rin ang epekto ng 5% menos sa missing health percentage, kaya naman bilang kapalit ay nilagyan ng bonus AD scaling.

Gayundin, capped na ngayon ang damage ng ultimate ni Garen sa mga epic monsters. Matatandaang bago ang patch 2.3b, napakataas ang potensyal ng Garen na makanakaw ng  Baron at Elder dragon gamit ang ultimate na ito.

Bye-Bye tank Garen na nga ba?

Ang katotohanan sa paggamit ng Garen bilang AD ay hindi masyadong swak ang mga AD items sa kaniya. Tipikal ang Black Cleaver at Sterak’s Gage para kay Garen kung gusto niyang tumagal sa labanan. 

“Unless you go down a very heavy AD route, and you’re building items that are not optimal on Garen, you’re going to be doing less damage with your spin pretty much every stage of the game,” banggit ng Wild Rift content creator at shoutcaster Ceirnan “Excoundrel” Lowe sa kaniyang Wild Rift patch 2.3b rundown.

“[Tank] Garen is quite donezo I would say,” sabi naman ni Excoundrel. “He’s probably still playable, but you have to go down a non-tanky build path and he’s going to be much easier to kill.” 

Kaya naman suhestiyon ni Excoundrel na kung papipiliin siya, mas kumportable siya sa tank Gragas kaysa sa full tank Garen. 

I-click ang link na ito para mabasa ang buong notes ng Wild Rift patch 2.3b.

BASAHIN: Ibinahagi ng EVOS Esports ang susi sa kanilang 2021 Summer Super Cup panalo