Sa pagpasok ng mga bagong items sa laro, ang pagpapakilala sa bagong Sentinels of Light champion na si Akshan at maraming buffs at nerfs, maraming bagay ang inilatag ng League of Legends: Wild Rift patch 2.4.

Gayunpaman, isa sa mga pinaka hindi kapansin-pansin na feature sa inilabas na patch ang Target Lock Filtering.


Ano ba ang Target Lock sa Wild Rift?

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Sa League of Legends PC na may mouse at keyboard setup, nakakapamili ang mga players ng champion, minions, monsters at iba pa sa pamamagitan ng pag-hover sa kanilang mouse indicator sa mga indicators sa bawat unit na ito.

Sa kabilang banda, ginagawa ito ng mga Wild Rift players sa pamamagitan ng pag-drag ng auto attack button at pag-pull nito papunta sa targeted unit. Malaking bagay ang indicators at guiding lines na ito para malaman kung saang unit  naka-lock ang mga players.

Sa pagkakataong dikit-dikit ang champions, minions at turrets sa isang team fight, hindi nakagugulat na mas mahirap isagawa ito. Sa bawian ng atake kontra sa champions ng kalaban kasabay pa ng pag-last hit sa mga minions, napakaposibleng mag-lock ang mga players sa maling unit.’

Ano ba ang ginagawa ng Target Lock Filtering at paano i-select ito in-game sa Wild Rift patch 2.4?

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Gamit ang Target Lock Filtering feature na ito, sinabi ng Riot na “players no longer have to worry about accidentally switching targets from enemy champions to minions or towers mid-fight.”

Ayon din kay Riot Booruns sa Reddit, ang Target Lock Filtering ay isang bagong setting na kinakailangang manu-mano na i-enable ng mga players. “We don’t default it on because sometimes you may want to target a specific minion (i.e. not the lowest health one we default to),” dagdag niya.

Mga hakbang para i-select ang Target Lock Filtering:

  1. I-click ang gear icon sa homepage para mabuksan ang “Settings”
  2. I-select ang “Controls” tab sa menu sa ibaba
  3. I-select ang “No minions/structures” sa ilalim ng “Target Lock Filtering”

Bukod dito, ipinakilala din muli ng Riot Games ang Targeting Priority (Closest) feature para maging aplikable lamang sa mga champions. Kapag in-activate ito at nag-tap ang player sa ability, mag-aautotarget ito sa pinakamalapit na champion na abot ng range ng ability.

Basahin ang kumpletong Wild Rift patch 2.4 notes dito.