Nakakita na tayo ng support Ashe sa Rift, pero nakakita na ba kayo ng Miss Fortune support build sa League of Legends: Wild Rift?
Oo, malamang ay tumaas ang kilay ng mga teammates nyo, pero mas tanggap ito kaysa sa support Ashe, at itinuturing din itong isa sa mga pinaka-creative na meta sa League of Legends.
Recommended Wild Rift runes para sa Miss Fortune support
Matic na ang Font of Life kung support role ka. Siguraduhin lang na ang mga skills na Make It Rain at Bullet Time ay maibitaw ng maayos para madaling ma-trigger ang Font of Life.
Dahil nagpapabagal ng kalaban ang Make It Rain, ang Weakness ay isa din sa mga rune na pwede nyong gamitin. Idagdag nyo na rin ang Loyalty para magbigay ng mga bonus sa’yo at sayong mga kakampi, samahan nyo na rin ng Sweet Tooth para sa extra gold.
Items para sa Miss Fortune support build
Ang unang dalawang items ng Miss Fortune support build ay umiikot sa Ability Power habang ginagamit ang slow mula sa Make It Rain.
Ang Liandry’s Torment ay nagbibigay ng extra damage sa mga kalaban na naka-slow, at ang Rylai’s Scepter ay nagpapalakas ng slow na galing sa Make It Rain.
Sunod naman ay ang Tear of the Goddess, at i-upgrade sa Archangel’s Staff. Nagdadag ito ng mana at ability power, at nagpapababa ng cooldown, na tumutulong kay Miss Fortne na manatiling buhay nang mas matagal salamat sa shield na naa-activate sa mga delikadong sitwasyon.
Ang pag-upgrade ng Ionian Boots of Lucidity ay nagbibigay na dagdag na healing para sa buong team.
Para sa mga natitirang items, pwede kayong gumamit ng Morellonomicon upang mabawasan ang healing ng kalaban. Nakakatulong din ang Protector’s Vow sa ability power at movement speed.
Sa kabuuan, sa paggamit ng Miss Fortune support, piliin ang mga items na nagpapahina ng kalaban at nagpapalakas ng mga kakampi. Hindi nyo na kailangang intindihin ang damage, ang mga teammates nyo na ang bahala doon.
Paggamit ng Miss Fortune support sa Wild Rift
Siguraduhin na i-spam ang Make It Rain upang ma-slow ang mga kalaban, dahil mati-trigger din nito ang ibang mga debuff galing sa build.
Matapos magpakawala ng Make It Rain, pwede rin mag-ambag sa damage gamit ang Double Up, o kahit pa Bullet Time. Malakas pa ring bumawas ang Miss Fortune build na ‘to dahil sa dagdag na ability power.
Pag nagawa nyo ito ng maayos, ang Miss Fortune support build ay makakapagbigay ng parehong damage at support roles. Bukod pa dito, siguradong magugulaw ang mga kalaban nyo.