Maaring wala na sa active roster ng Sentinels si Jared “zombs” Gitlin, ngunit patuloy niya pa ring binabatikos ang kanilang in-game leader na si Shahzeb “ShahZaM” Khan sa pagtrato sa kaniya noong nasa team pa siya.
Naglaro para sa Version1 si zombs noong MCT Premiership Season 3, noong kulang ng isang player ang V1 matapos ang utang ni Jordan “Zellsis” Montemurro sa Sentinels. Ayon kay zombs, mas nagkaroon siya ng awtonomiya noong nasa V1 pa siya kaysa noong nasa Sentinels siya.
Sinabi naman niya “wala siyang ginawa” sa Sentinels at nakinig lamang sa mga utos ni ShahZaM.
Patuloy na pinuna ni zombs ang shotcalling ni ShahZaM sa Sentinels
Hindi naging mabait ang 23-year-old sa kaniyang mga sinabi. “Most of the time it was just being like AFK and doing nothing,” sinabi niya sa kaniyang stream.
Noon nasa Sentinels pa siya, nahirapan siya makakuha ng mga numero sa scoreboard. Habang main controller ang role niya sa team at hindi naman siya inaasahang maging top frag, binatikos siya dahil wala umanoy siya’y ambag sa team.
Sinisi niya ang kaniyang performance sa mga utos ng Sentinels kung paano siya dapat maglaro, at mukhang ganoon pa rin ang laman ng kaniyang damdamin hanggang ngayon.
“Thinking back on it, all the stuff he’s telling me to do is actually not what I’m supposed to be doing,” sabi niya. “I didn’t want to deviate from what he was saying because I was just like, ‘Surely he knows what he’s saying.’”
“But everything I was doing was not good. On Haven, I literally just held C push every round on attack. But I needed to be doing way more, like walking up to B while my team is taking A control.”
Nilipat si zombs sa Sentinels bench noong April, ngunit patuloy pa rin ang kaniyang kontrata sa organisasyon bilang isang inactive player kasama sina Hunter “SicK” Mims at Eric “Kanpeki” Xu.
Hindi nagtapos ang mga paghihirap ng team noong tinanggal si zombs. Nagpakita lamang ng improvement ang Sentinels noong dinagdag si Michael “shroud” Grzesiek at Zellsis – pati na rin ang boot camp ng team bago pa nagumpisa ang VCT NA Last Chance Qualifier.