Ang pangalang ZmjjKK ay halos imposibleng masabi. Ang jumble ng mga letra na ito ang bumubuo sa moniker ng 18-year-old star player ng Edward Gaming, na isang halimaw sa kanyang international debut laban sa Paper Rex sa Valorant Champions 2022.

Pero ang mga letrang ito ay lang basta random. May kwento sa kung paano nakuha ni Zheng “ZmjjKK” Yong Kang ang kanyang IGN—isang nakakaantig na tribute sa kanyang nakakatandang kuya na sinuportahan siya sa kabuuan ng kanyang karera.

Tinatawag rin na Kang Kang, naipamalas na ni ZmjjKK na isa siya sa pinakamakinang na young talents sa Valorant, lalo na kapag hawak ang Operator. Ngayong nasa entablado siya ng Champions, sinisigurado niya na malalaman ng buong mundo ang kanyang pangalan.


Hinugot mula sa kanyang kuya ang pangalan ni ZmjjKK

ZmjjKK ng Edward Gaming
Credit: Riot Games

Sa isang pinned tweet sa kanyang profile, ipinaliwanag ng manlalaro ang kahulugan sa likod ng kanyang pangalan at kung paano ito nabuo.

“Zmjj is my elder brother’s game ID. His name is Zheng Ming Jia,” ani niya. “My name is Zheng Yong Kang, so my game ID is KK. Because my brother has unlimited support for me, I want to let the world see his ID.”

Ang pangalang “ZmjjKK” ay isang paghahalo ng kanilang mga pangalan, na paraan niya bilang pagsaludo sa kanyang kapatid at sa ambisyon nitong maging isang pro player na hindi natupad.

Si Miang Jia ay 7 taong gulang noong pangaraping mag-pro sa Counter-Strike 1.6 noong nag-aaral pa siya, kwento ni Kang Kang sa kilalang Valorant host at interviewer na si Yinsu “Yinsu” Collins.



“I feel like I can carry a part of his dream in my professional Valorant career. I’m not as good as other people at CS:GO, but Valorant makes sense for me,” wika ni ZmjjKK.

“I can take a part of my brother’s dream with me as I compete on the international stage,” dagdag pa niya.

Bagamat kinapos ang EDG sa iskor na 1-2 kontra Paper Rex sa kanilang opening match sa Champions, mahigpit ang naging bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan. Ipinakita rin nila ZmjjKK at Chinese squad na totoo ang mga babala patungkol sa kanila—na ang EDG ay isang puwersa sa international Valorant na ring katakutan.


Base ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.