Isa sa pinaka-inaabangan ang debut ng Edward Gaming sa Valorant global stage. At may maisasabi si ZmjjKK ng Edward Gaming tungkol dito.
Ang makasaysayang paglahok ng team sa Valorant Champions 2022 ay ang kauna-unahang beses na makakasali sa isang international event ang China. Sa wakas, ang mga teams at fans na nanonood mula sa kanilang mga tahanan ay mapapanood na ang kisig ng Chinese Valorant.
Galing sa kanilang undefeated run sa East Asia Last Chance Qualifier, nagmumukhang isang dark horse ang EDG na maaring gulatin ang lahat.
Sa isang panayan ni Yinsu “Yinsu” Collins, alam na alam ni Zheng “ZmjjKK” Yong Kang kung ano ang mga kalakasan ng kaniyang team: ang kanilang malakas na communication at mahusay na coordination.
Pinaghalong agresyon at pag-iingat, ayon kay ZmjjKK ng Edward Gaming
Ngunit alam ng Chinese squad na ‘to na kulang pa sila sa karanasan kumpara sa kanilang mga kalaban sa world stage.
“We have confidence, but we also have some fears,” sabi ng 18-year-old. “It is our first time playing at a LAN and on such a big stage.”
“I think we would have no problem at all if we were playing under the circumstances we were used to. But it’s possible there might be some nerves and pressure that we’ve never felt before.”
Ang Paper Rex ang kanilang unang makakaharap, isang team na nirerespeto ni ZmjjKK. Sila ang unang team mula sa Asia na umabot sa Masters grand final, isang makasaysayang tagumpay para sa rehiyon.
Ngunit bilang isang dating Jett main na ngayo’y Chamber player, naniniwala ang EDG star na kaya niyang sabayan si Wang “Jinggg” Jing Jie ng Paper Rex pagadating sa pace at agresyon. “I like to play fast and aggressive,” sabi niya. “When I’m feeling it, I’m all about fast rushes. When I play Raze on Bind, I can really play out of my mind.”
Sa halip ng kanilang pagkakatulad sa kanilang playstyle, naniniwala si ZmjKK na nakabuo ng sariling paraan ng paglalaro ang EDG. “I think we have a unique style which combines caution with aggressiveness,” sabi niya. “Even though we are very aggressive, we are able to find stability in those moments.”
Sa katunayan, sabi ni ZmjjKK na ang komunikasyon sa kaniyang team ay top-notch. Habang mukhang magulo ang kanilang gameplay, palagi silang nag-uusap kung ano ang susunod na galaw nila. Inihalintulad pa niya ito sa Koraen powerhouse na DRX, isang team na kilala dahil sa kanilang malakas na synergy at flawless utility usage.
Ang in-game leader na si Guo “Haodong” Hao Daong ang utak sa likod ng lahat ng ito, dahil nakikinig siya sa mga input ng lahat at nag-de-desisyon sa mga dapat gawin.
Bilang resulta, sabi ni ZmjKK na mayroong mas magandang micromanagement ang EDG sa mga fast-paced na sitwasyon kumpara sa mga European o North American teams. At maipapakita na rin ng team ang kanilang kakayahan.
Maari mong mapanood nang live ang Valorant Champions 2022 sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.