Unti-unti nang nabubuo ang Cloud9 upang maging isa sa mga top teams sa Americas league sa VCT 2023 season, matapos nilang makuha ang pinakamalaking premyo ng offseason, ang OpTic Gaming star na si Jacoob “yay” Whiteaker.
Isa pang panalo na nakuha ng organisasyon ay ang kanilang pagkuha sa dating Sentinels at Version1 player na si Jordan “Zellsis” Montemurro. Naging mahalaga ang papel ni Zellsis sa VCT NA Last Chance Qualifier run ng Sentinels, kung saan naging mas maayos ang laro ng team kumpara sa performance nila buong taon.
Isa rin ang 24-anyos sa mga pinakamainit na free agents ng offseason. Sa katunayan, tanging ang 100 Thieves lang ang hindi nagbigay sa kanya ng offer, sabi niya sa isang stream kamakailan.
Gayunpaman, tanging Sentinels at Cloud9 lang ang kanyang pinagpipilian. Sa huli ay pinili niya ang Cloud9 dahil sa kanyang tiwala sa core ng team – dagdag pa dito ang kanyang karanasan sa ilalim ng in-game leader na si Anthony “vanity” Malaspina noong sila ay pareho pang nasa Version1.
Zellsis pinalagpas ang mga malalaking offers para makasali sa Cloud9
“I chose C9 because I felt like they had a core of a team,” sabi niya. “They’ve had [Nathan “leaf” Orf], [Erick “Xeppaa” Bach], and vanity.”
Ang trio ay magkakasamang naglalaro muola pa noong 2021, at itinuring na pinakamahuhusay sa North America noong taon na ‘yon.
“I also played with vanity before. I played with him in Counter-Strike. I played with him in Valorant,” sabi niya. “I really like how he is as an IGL. I really like how he and I play off each other with mid-round calling and other stuff like that.”
Sa huli, naging mas pamilyar sa kanyang pakiramdam ang C9, ayon sa kanya. Kumpara sa Sentinels na sinalihan niya lamang noong July, kung saan nakapaglaro lamang siya ng tatlong matches kasama ang team noong LCQ.
Iba na rin ang itsura ng kasalukuyang roster ng Sentinels, kung saan tanging si Tyson “TenZ” Ngo na lamang ang natitira mula sa orihinal na team.
Higit sa lahat, naniniwala siyang mas malaki ang tsansa niyang manalo kasama ang C9. “I could have chased a bigger bag elsewhere,” sabi niya. “But if I look back on my esports career and I didn’t win anything, that is a failure of a career to me.”
Kasama si yay na gumagamit ng Chamber at leaf biklang main duelist ng team, mukhang handa na ang C9 na magdomina sa Americas league sa susunod na taon.
Magaganap ang international debut ng team sa February sa 30-man kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.