Nasangkot sa kontrobersiya ang XSET dahil sa mga nangyari sa Valorant Champions 2022.
Nabuntungan ng batikos ang North American squad mula sa mga fans na niwala humingi sila ng replay ng final round sa kanilang match laban ang FunPlus Phoenix dahil hindi nila matanggap ang kanilang pagkatalo.
Humingi ng tawad ang kanilang coach na si Don “Syyko” Muir at in-game leader na si Rory “dephh” Jackson para sa mga komento na nagpahiwatig na inabuso ng OpTic Gaming ang mga technical pauses para guluhin ang momentum ng team.
Ngunit hindi ang XSET ang humingi ng replay laban sa FPX; ito ay naging desisyon ng Riot Games, ani ni Syyko.
Sinigurado rin ngg Riot na hindi nagkaroon ng unfair advantage ang team dahil sa kanilang mga additional na paghanda ng stratehiya.
Desisyon ng Riot ang replay, sabi ng XSET
Isang Killjoy Turret bug sa Round 24 ang naging rason kung bakit bumaril ang turret ni Jordan “AYRIN” sa ibang direksyon, at dahil dito nagbigay ito ng maling impormasyon sa mga XSET players na maaring nagiba sa resulta ng round at serye.
“We did not in any way ask for the round to be replayed,” sinabi ni Syyko sa isang post-match press conference. “This was 100 percent a Riot decision. I hope they put out an announcement clarifying that because I don’t think it’s fair for the players to be getting hate from Twitter.”
“We are happy that Riot noticed the bug and allowed us to replay the round. But I don’t want anybody thinking that it was sour grapes and something that we asked for.”
Lumitaw din ang mga tanong kung ang break sa pagitan ng match ending at ng round na ni-replay ay nagbigay ng dagdag na oras sa XSET para mapalakas ang kanilang tactical discussions.
Ngunit sinabihan ang mga players na ‘wag makipagusap sa isa’t-isa, at kinailangan nilang ibigay ang kanilang mga telepono sa kanilang manager, sinabi nina dephh at Syyko.
“There was really no opportunity to have any strategic discussion,” sabi ni Syyko. “Obviously the gears are turning and we were thinking about things, but discussion about the round and what we were going to do didn’t occur until we were actually on stage.”
Nalamangan ng FPX ang XSET muli at kinhua ang Ascent 16-14 sa isang triple overtime at nagresulta ito sa isang rematch laban ang DRX.
Mukhang naintindihan ito ng FPX coach na si Erick “d00mbr0s” Sandgren sa Twitter. “No one’s fault today, unfortunate situation and pretty tiring for everyone,” sabi niya. “No hate please to anyone, only love.”
Kahit na ‘yon ang nangyari, uuwi ng Istanbul ang XSET na may tiwala na naging maganda ang kanilang performance. Kumpara sa kanilang hindi magandang pinakita sa Masters Copenhagen kung saan nag-exit sila nang walang niisang panalo, napatumba ng team na ‘to ang ilan sa mga best squads ng Turkey – kasama na ang FPX – at pinatunayan na sila ay isang world-class contender.