Nakakita na tayo ng malawak na hanay ng mga Valorant weapon skins at bundles na inilabas ng Riot Games mula pa noong inilabas ang competitive first-person shooter noong 2020.
Gayunpaman, wala pa tayong nakikita maski isang weapon skin na esports team-themed sa Valorant. Malapit na itong magbago dahil ilalabas na ang napapabalitang VCT partnered team skins sa pagsisimula ng franchise league ng Valorant Champions Tour ngayong taon.
Riot Games maaaring maglabas ng VCT partnered team skins
Mayroong ilang diskusyon tungkol sa paparating na mga team skins noong unang ianunsyo ng Riot Games ang VCT league noong nakaraang taon.
Iniulat ni George Geddes ng Dot Esports na ang mga skin ng team ay bahagi ng stipend na itinakda ng Riot Games para sa mga team na inaprubahan ng partnership. Gayunpaman, ang Riot Games ay hindi pa nag-aanunsyo ng anumang mga detalye tungkol sa mga VCT-partnered team skins.
Ang mga bagong esports team skins ay ilalabas sa mga susunod na ilang buwan, ayon sa kilalang dataminer na ValorLeaks. Ang mga weapon skins ay maaari ding maging variant based sa halip na individual skin bundles. Nangangahulugan ito na ang Riot Games ay maaaring maglabas ng isang weapon sa in-game shop ng Valorant, at ang mga players ay kailangang i-unlock ang kanilang gustong partnered team gamit ang kanilang mga Radianite points (RP).
Ang isa pang posibilidad ay maaaring sundin ng Riot Games ang isang Call of Duty League (CDL) na tipo ng team pack kung saan makakakuha ang mga franchise team ng sarili nilang bundle. Maaaring kabilang dito ang mga VCT partnered team skins, spray, player card, at mga buddies.
Sinabi ng ValorLeaks na ang mga VCT partnered team skins ay kasalukuyang nasa development, na hindi pa nakumpirma ng Riot Games.
Ang dalawang esports-themed skin na inilabas ng Riot Games ay ang Champions 2021 at 2022 bundle, na nakalikom ng higit sa US$23.5 million. Available lang ang mga skin sa store sa loob ng limitadong panahon at hindi lumalabas sa mga daily offers ng in-game store.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.