Hindi inaasahan ang mga nangyari sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022. Dalawang beses natalo ang Underdogs na XERXIA Esports laban ang North American juggernaut na OpTic Gaming, habang ang mga tournament favorites na Fnatic ay uuwi matapos matalo sa Ninjas in Pyjamas at Zeta Division. 

Ang Team Liquid, na niyaya sa pwesto ng FunPlus Phoenix, ang naging unang team na maka-secure ng spot sa playoffs, kahit na natalo sila makasipot sa event. Malapit lang sa kanila ang Korean powerhouse na DRX matapos ang malakas na showings laban ang Zeta Divison at NIP. 

Samantala ang mga regional top seeds na The Guard, G2 Esports, Paper Rex, at LOUD ay naghihintay na lahat sa playoffs. 

Aling teams ang qualified sa VCT Masters Reykjavik 2022 playoffs? 

Valorant VCT Masters Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Ito ang lahat ng walong teams na nakapasok sa VCT Masters Reykjavik 2022 playoffs. 

Maglalaro na ang mga teams sa isang double-elimination bracket simula April 15, isang pagbabago sa single-elimination format noong nakaraang taon.

TEAM REGION 
The Guard North America 
G2 Esports EMEA 
Paper Rex APAC 
LOUD Brazil 
Team Liquid EMEA 
DRX Korea 
OpTic Gaming North America 
Zeta Division Japan 

Parehas lamang sa unang Masters event sa Iceland noong nakaraang taon ang prize distribution. Mag-uuwi ang mananalo ng US$200,000 na prize money, ang lion’s share ay US$675,000 prize pot mula sa VCT Masters Reykjavik 2022 playoffs. Dagdag pa riyan, makakatanggap sila ng 750 VCT circuit points na mapupunta sa kanilang qualification para sa Valorant Champions sa katapusan ng taon. 

Lahat ng walong playoff teams ay may siguradong minimum na US$25,000 at 200 circuit points. 

Parehas ito sa EMEA top see na FunPlus Phoenix na nakasipot. Nakatanggang sila ng circuit points at prize money katumbas ang 7th to 8th place sa tournament. 

Maari mong tignan ang schedule ng VCT Masters Reykjavik 2022 dito. Ipapalabas ang mga matches sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.