Mula February 13 hanggang March 4, 32 koponan ang magtitipon-tipon sa São Paulo, Brazil para sa pinakamalaking Valorant tournament sa kasaysayan ng game.
Sa dami ng mga teams na magmumula sa iba’t ibang panig ng mundo, nakataya ang regional pride habang ang mga koponan ay naglalaban-laban upang makoronahan ang unang imternational champion sa bagong taon. Ang bawat isa sa tatlong international league ay maghahangad din na patunayan na ang kanilang rehiyon ay ang pinakamalakas — at ang mananalo ay makakakuha para sa kanilang kanilang rehiyon ng karagdagang slot sa Masters Tokyo sa June.
Maaari ring ipakita ng mga fans ang kanilang suporta para sa kanilang rehiyon gamit ang bagong VCT Lock In capsule, na nagtatampok ng bago at eksklusibong melee weapon, tatlong player cards na kumakatawan sa bawat international league, at isang spray.
VCT Lock In capsule na may melee weapon, player card, at spray
Mabibili ang capsule mula February 8 hanggang March 7, at 50% ng kikitain mula sa koleksyon ay ibabahagi sa mga VCT partner teams.
Ang mga item na ito ay exclusive sa bundle at hindi na babalik sa store o Night Market.
Ang Lock In knife, na tinatawag na Misericórdia (Latin para sa awa), ay available sa apat na magkakaibang variants:
- VCT Americas (Green)
- VCT Pacific (Blue)
- VCT EMEA (Purple)
- Valorant Champions Tour (Red)
Ang mga player cards ay sumusunod sa parehong color theme at nagtatampok ng mga iconic na skyline ng bawat isa sa tatlong host cities: Los Angeles, Berlin, at Seoul.
Ang Berliner Fernsehturm (o Berlin TV Tower) ay nangingibabaw sa mga nakapalibot na gusali sa Alexanderplatz, habang ang Lotte World Tower ay nakatayo sa napakagandang skyline ng Seoul. Ang Downtown Los Angeles ay malinaw na nakikilala rin, na angat mula sa milya-milyang urban sprawl.
At bagay na bagay rin ang spray na nagtatampok kay Raze, na nagmula rin sa Brazil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.