Pinasok na ng Riot Games ang iilang organisasyon sa susunod na kabanata ng kanilang partnership selection process para sa VCT 2023 season, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.
Kasabay niyan, inanunsyo na rin ng ilang organisasyon sa Tier 2 scene ang kanilang pag-alis sa competitive Valorant, at ang dahil sa iba ay ang pagtanggi sa kanila para sa VCT 2023 partnership. Ang SoaR at Akrew ang pinakabagong organisasyon na nagsabing aalis na sila sa Valorant, kasama ang New York Fury, Rise, Dignitas, at iba pa.
Walo sa sampung teams ang inaasahang makakapasok sa Americas league, at 12 teams ang maximum. Kasama rin ang mga teams mula sa Brazil at Latin America sa bagong liga.
Ang mga bagong international leagues ay magbibigay ng derechong landas sa kanilang mga teams patungo sa mga international LAN events tulad ng Masters at Valorant Chammpions at ma-i-representa ang pinakamataas na tier ng professional Valorant.
Sentinels, TSM, at The Guard ay umangat na sa susunod na stage ng VCT 2023 partnership selection
‘Di tulad ng kanilang ginawa sa League of Legends, hindi humingi ang Riot ng buy-in fee para makapasok sa liga at sinuri nila ang mga applications para malaman kung sino ang team na nakapasok.
Binatikos ng Shopify Rebellion ang proseso ng pagpili ng teams para sa VCT 2023 partnership at tinawag itong “popularity contest.”
Ang mga teams tulad ng Sentinels, TSM, Cloud9, The Guard, XSET, Gen.G, at Version 1 ay umano’y nakapasok na sa susunod na round ng VCT 2023 partnership, kung saan kikitain nila ang Riot para pagusapan ang finansyal na impormasyon. Sinabi naman ng game developer na mag-de-desisyon sila kung aling teams ang pasado, at 6-8 teams ang sasali sa mga napili mula sa Brazil at Latin America.
Sa APAC league naman, nagmumukhang nakapasok na rin ang DRX sa susunod na round, ayon kay Geddes.
Ngunit maaring magkaroon ng komplikasyon sa T1 at G2 Esports. Sinabi ng T1 na gusto nilang manatili sa North America, kahit na mas malawak ang presensya nila sa Korea, habang ang European na organisasyon na G2 Esports ay interesado naman lumipat sa NA.
Inaasahang mag-de-desisyon ang Riot bago magumpisa ang Champions sa September.