Makakatanggap ang Valorant UI ng malaking pagbabago sa patch 5.08.

Sa bagong UI makikita ang isang malaking overhaul sa main menu, lobby, pre-match loading screen, at end of game screens. Isa itong malaking stylish upgrade, tampok ang mas agresibong visuals, text elements na mas buhay, at isang modernong dating sa pangkabuuan.

Ang mga pagbabagong ito ay naglalayong ma-improve ang legibility, ayon sa Riot games, at ang main manu ay magiging mas madali i-navigate.

Ngunit ang bagong interface ay simula pa lang. Kasalukuyang tinatrabaho ng Riot ang isang mas “premium” na UX/UI front-end experience na mas angkop sa direksyon an patutunguhan ng game.

Bagong Valorant UI mukhang isang major upgrade

Ang bagong agent browser UI sa patch 5.08 ang unang pagbabago na ipinatupad sa campaign na ito. Ang agent textures ay pinalitan ng 2D key art illustrations at updated na color schemes upang bumagay sa kakaibang personality ng bawat agent, na ngayon ay mas nababagay sa ibang bahagi ng UI.

Ang mga individual tabs sa main menu ay inalis na at pinalitan ng bold text sa isang vertical na menu. Ang “Play” button ay mas pinalaki at naka-highlight nang pula, upang hindi na mahirapan ang iyong mata na makita kung paano makapasok sa game.

Mapapansin mo rin ang bagong lobby screen na mas malinis kaysa dati. “We wanted to remove a lot of visual clutter and improve the overall readability of the Lobby Screen,” sabi ni Oliver Zumstein, Visual Design Manager.

“We had a lot of decorative elements that were pretty but didn’t really serve a purpose. In order to emphasize the player card and its representation, and to give you a clear ‘call to action,’ we increased the screen’s contrast, pushed color values, and simplified our shape language.”

Ang resulta ay isang lobby screen kung saan mas litaw at kapansin-pansin ang mga player cards.

Sa kabilang banda naman, ang pre-match loading screen ay binigyan ng parehong treatment para sa isang mas dramatic na dating. “We want the faceoff screen to be all about the two teams about to duke it out,” sabi ni Max Smiley, Staff Engineer.

“We removed the map so your banners could take up the screen, better showing off your identity through your chosen player cards, titles, and rank badges. We punched up both sides’ colors, mirrored banner layouts for symmetry, and added ‘VS’ text to emphasize the head-to-head feeling.”

At panghuli, meron ang hiwalay na victory at defeat screens, depende sa kinalabasan ng match. Upang mas bigyang pansin ang team aspect ng Valorant, makikita na ang mga agent avatars sa end game screen, kung saan ang MVP ay paparangalan at nakapwesto sa gitna.

Ang lahat nang features na lalabas ngayong taon ay susunod sa direskyon na ito, sabi ng Riot, dahil nagbibigay ito ng motion design at dagdag na visual polish sa game.

Maaring basahin ang buong blog post dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.