Tungkol sa pagiging taktikal ang Valorant. Ang paglalaro bilang isang buong koponan ay nakakapagpataas ng tsansang manalo, pero para magawa ito, kailangang malaman ng mga manlalaro ang Valorant terms na ginagamit ngyaon.
Kung bago ka pa lang sa paglalaro ng Valorant, ito ang guide para sa pinakamadali pero pinaka-importanteng Valorant terms, terminology, calls, at comms na kailangang malaman para makapag-communicate nang maayos sa iyong mga kakampi.
Ano-ano ang Valorant terms?
Binubuo ng iba’t-ibang acronyms at slangs na nakasanayan nang gamitin ng mga player ang mga Valorant terms.
Kaakibat ng mga Valorant terms na ‘to ang mga kakaibang paglalarawn para mapabilis ang pagpasa ng impormasyon habang naglalaro.
Ang listahang ito ng Valorant terms, terminology, calls, at comms ay patuloy na ia-update. Tuloy-tuloy din kasi ang pagbabago ng laro kasunod ng pagpapakilala ng mga bagong agent at mapa ng Riot Games, maging ng community.
Valorant game terminology
VALORANT TERMS | KAHULUGAN |
Ace | ‘Pag naka lima o anim na kills ang isang player sa isang round. |
Team Ace | ‘Pag nakakuha ng kill ang bawat player mula sa winning team laban sa kalabang team. |
Flawless | Isang round kung saan walang namatay na player mula sa winning team. |
Clutch | ‘Pag naipanalo ng huling buhay na player ang round para sa kanyang team. |
Thrifty | ‘Pag nanalo sa isang round ang isang team nang 2,500 credit, o mas mababa pa, ang kanilang nagastos kumpara sa kanilang kalaban. |
Buy | Ang pagbili ng mga bagay na kailangan bago magsimula ang round. |
Drop | Pagbili ng armas para sa kakampi mula sa buy menu. |
Orbs | Bilugang bagay na makukuha ng mga player sa mapa na nagdadagdag ng puntos sa Ultimate ability. |
Shields | Pinapataas nito ang kabuuang health ng player, gaya ng body armor sa iba pang shooter games. |
Spike | Ang pangunahing bagay sa Valorant na kailangang itanim o i-defuse ng mga player para manalo ng round. |
Valorant terms: Map location calls
VALORANT TERMS | KAHULUGAN |
Back site | Lugar sa loob ng spike site na pinakamalapit sa Defender Spawn. |
Heaven | Mataas na lugar na nagbibigay ng mas malawak na view. |
Hell | Ang lugar na nasa ilalim mismo ng Heaven. |
Main | Ang neutral na bahagi ng mapa na pinagigitnaan ng spike site at attacker spawn. |
Long | Mahabang lagusan na matatagpuan sa pagitan ng spawns ng attacker at defender. |
Short | Maiksing lagusan na matatagpuan sa pagitan ng spawns ng attacker at defender. |
Cubby | Maliit na puwesto o malalim na kanto kung saan pwedeng magtago ang player. |
Link | Maiksing lagusan na nagdudugtong sa dalawang spike sites. |
Mid | Ang gitnang bahagi ng mapa. |
Spawn | Lugar kung saan nagsisimula ang round ng mga attacker at defender. |
Elbow | Hugis-L na lagusan na nagsisilbing ikalawang lagusan. |
Valorant terms: Common calls
VALORANT TERMS | KAHULUGAN |
ADS | Ang pag “aim down sights” o pag-gamit sa first-person view ng armas para mas makita ang mga kalaban. (Note: Gumagana lang sa ilang armas.) |
Anchor | Defender na player na responsable sa pagdepensa sa isang spike site. |
Anti-eco | Pag-gastos ng sapat na credits para hindi maipanalo ng kalaban ang kanilang eco round. |
Baiting | Ang paggamit ng posisyon ng iyong kakampi para makakuha ng impormasyon mula sa kalaban. |
Bottom Frag | Ang player na may pinakamababang bilang ng kills. |
Bunnyhop | Jumping technique na bahagyang nagpapabilis sa paggalaw ng player, dahilan para mas mahirap itong tamaan. |
Callouts/calls | Ang pagbigay ng mahalagang impormasyon sa team, gaya ng puwesto ng kalaban at anong nangyayari sa round. |
Clear | Isang lugar na walang kalaban. |
Counterstrafe | Ang paggamit sa kasalungat na strafe key para mapatigil ang paggalaw. |
Crossfire | ‘Pag ang dalawang manlalaro ay nakatutok sa isang lugar mula sa dalawang magka-ibang anggulo. |
CT | Mula sa Counter-Strike term na ang kahulugan ay counter-terrorists, CT ay pina-iksing tawag sa spawn ng defenders sa Valorant. |
Default plant | Ang pinaka-common at pinakaligtas na puwesto kung saan maaaring itanim ang spike sa loob ng site. |
Dry peek | Pagsilip sa anggulo nang walang ginagamit na utility mula sa agent. |
Entry fragger | Ang player mula sa side ng attackers na nauunang makakita sa kalaban. |
Exit frags | ‘Pag kuha ng kills mula sa mga attacker na tumatakbo palayo sa site kung saan may sasabog nang spike. |
Fake defuse/Tapping | Ang pagpindot nang mabilis sa defuse key ng isang defender para mapalabas ang attackers. |
Flick | ‘Pag natutok ang crosshair sa kalaban sa isang iglap. |
Instalock | Player na nagla-lock agad ng isang agent sa simula ng agent select phase ng laro. |
Lineup | Ang paggamit sa ability ng isang agent na nagsisigurong tatama ito sa kung saan niya nais patamain. |
Ninja defuse | Ang pag-defuse sa spike nang hindi nalalaman ng mga attacker. |
Off angle | Ang pagtutok sa hindi nakasanayang anggulo na maaaring ikagulat ng kalaban. |
One-tap | ‘Pag naka-kill, mula sa isang headshot, gamit lang ang isang bala. |
One-way | Smoke na humaharang sa vision ng kalaban, pero hindi sa sariling team. |
Pick | Mabilis na kill sa simula ng round. |
‘Play for picks’ | Paglaro depende sa mapipitas na kalaban sa unang bahagi ng round. |
‘Play for time’ | Paglaro ng mabagal na round para matuon ang pressure sa attackers na kailangang itanim ang spike, o sa defenders na kailangang mag-defuse ng spike. |
Pre-fire | Pagbaril sa puwesto palagay na lang kung may nagbabantay na kalaban dito. |
Retake | Paggrupo-grupo at pag-atake ng mga buhay pang defenders sa labas ng isang spike site na kontrolado na ng attackers. |
Res | Pina-iksing banggit sa Ressurection, ang ultimate ni Sage na muling nagbibigay-buhay sa patay nang kakampi. |
Stack | ‘Pag ang lahat ng limang defender ay dumedepensa sa isang spike site sa simula ng round. |
Swing | ‘Pag silip laban sa kalabang agent. |
T | Mula sa Counter-Strike term na ang kahulugan ay terrorist, T ay pina-iksing tawag sa spawn ng attackers sa Valorant. |
Utility | Abilities ng mga Valorant agent. |
Wallbang | Pagbaril sa mga bagay na maaaring tagusan ng bala gaya ng ilang kahon at pader. |
Whiff | ‘Pag hindi natamaan ang target na madaling tamaan. |
Ano ang mga calls o comms?
Ang “calls” o “comms” (communication) ay pumapatungkol sa mga maliliit na impormasyon na nakapagbibigay ng mas magandang perspektibo sa mga nangyayari sa laban. Gumagamit ang mga player ng Valorant terms sa kanilang calls para mas madaling makapag-coordinate at strategize sa bawat round.
Ang pagbigay ng tamang calls bago magsimula ang round at pagplano sa paggastos ng credit ay magpapataas sa tsansang manalo. Gayundin sa in-game calls, kung saan agarang utos ang binibigay para masagot ang galaw ng kalaban.
Guide sa ‘economy calls’
Save o eco
‘Pag may nag-call ng save o eco ibig-sabihin nito ay kailangang masiguro ng lahat ng player na may sapat silang credit para mabili ang lahat ng kailangan nila sa susunod na round.
Sa full save round, walang dapat bilhin para matipid ang pera. Kung mas mababa pa sa 2,000 credit ang meron ka, kailangang mag-call ng full save para makapag-full buy sa susunod na round.
Half buy
Magkatulad ang half buying at pag-call ng save round. Kailangan din na may sapat kang credit para mabili ang lahat ng kailangan para sa susunod na round, pero ngayon, maaari kang gumastos ng ilang credit para mapataas ang tsansa ng panalo.
Kung may higit 3,000 credits ka, maaari mong gamitin ang iba dito at makakapag-full buy ka pa rin sa susunod na round.
Maaari kang bumili ng Sheriff, Judge, o Speccter, tsaka half armor para mapataas ang tsansa mo na makapatay ng kalaban.
Full buy
Ito ay ang paggamit sa halos lahat ng naipon mong credits para masigurong makukuha mo ang lahat ng kailangan mo para maipanalo ang round. Ang full buy ay kadalasang binubuo ng rifle (Vandal o Phantom), ang kumpletong utility kit ng agent, at full shield.
Force buy
Sinisiguro ng call na to na gamitin ng team ang ano mang credit na meron sila para masubukang maipanalo ang susunod na round at mabaligtad ang laban.
Delikado ang pag-force buy dahil mapipilitan silang mag-save kung hindi nila ito mapapanalo. Maaari rin nitong magulat ang kalaban dahil hindi nila aasahang may armas kaya para sa naturang round.
Guide sa ’round calls
Bonus round
Ang bonus round ay ‘pag dala pa rin ng players ang mga armas na nabili nila matapos manalo sa pistol round. Sa Valorant, ang team na mananalo sa pistol round ay maaaring makapag-full buy sa ikatlong round. Ang bonus round ay nangangahulugan sa mga player na may SMG o mas mahihinang rifle, gaya ng Bulldog o Guardian, sa full buy round ng kalaban nila.
Guide sa ‘in-game calls’
Rush
Halimbawa ng Valorant terms: Nag-rush ang Gambit Esports kontra Envy
Ito ay isang strategy kung saan lahat ng limang players ay nag-push sa parehong spot o site para magulat ang kanilang kalaban sa kanilang dami. ‘Pag nag-call ng rush, kailangang mag-react nang mabilis ng parehong panig dahil sa maaaring malaman ang resulta ng round sa isang iglap lang.
Trade
Halimbawa ng Valorant terms: Nakakuha ng clutch trade si Ayaz “nAts” Akhmetshin ng Gambit Esports kontra Envy
Ang trading, sa Valorant terms at iba pang FPS titles, ay nangangahulugan sa pagpatay ng kalabang nakapatay ng kakampi mo. ‘Pag pumapasok ang kakampi mo, maging handa sa mga kalaban para makapag-trade kung sakaling mapitas ang entry-fragger niyo.
Rotate
Ang pag-rotate ay ang paglipat mula sa isang lugar papunta sa isa pa. Para sa attackers, ang pag-rotate ay ang pag-atake sa isang spike site, saka lilipat sa isa. Para naman sa defenders, ito ay ang pag-ikot ng isang player, pwera na lang kung nagra-rush ang kalaban.
Flank
Halimbawa ng Valorant terms: Na-flank ni Tarik “tarik” Celik ng Evil Geniuses ang kanilang kalaban
Kailangan ng pagdadahan-dahan, katahimikan, at bilis para makapag-flank. Para magawa ito, kailangang mag-commit ng players sa kalabang team. Maiipit nito ang mga kalaban sa harap at likod na puwesto.
Sakto ang Sentinel agents gaya nina Killjoy at Cypher bilang pangontra sa mga nagpa-flank dahil sa nakapagbibigay ng impormasyon ang mga utility nila sa kinalalagyan ng mga kalaban nang hindi kailangang ipahamak ang sarili.
Lurk
Halimbawa ng Valorant terms: Perpekto ang lurk play ni nAts ng Gambit Esports
Ang pag-lurk ay ‘pag may isang agent mula sa attacking team ang pumunta sa kabilang bahagi ng mapa para makapitas ng kalaban.
Gumagalaw ang mga lurker base sa mga impormasyong nakakalap nila. Minsan nga’y bine-bait pa nila ang kanilang team para makakuha ng mas magandang posisyon sa mapa.
Save
Ang save call ay nangangahulugan sa pag salba sa armas para sa susunod na round. Para magawa ito, kailangan niyong iwasan ang mga kalaban, ubusin ang oras, o hayaang sumabog ang spike nang walang namamatay.
Isa itong stratehiya, lalo na sa mga 1v5 o 2v5 na sitwasyon. Mabibigyan kayo ng pag-save ng mas mataas na tsansa na maipanalo ang susunod na round dahil may sapat pa kayong credits para makabili ng full shiled at utility dahil hindi na kailangang bumili ng baril.
Default
Halimbawa ng Valorant terms: Naglalaro sa default ang Gambit Esports
Ang default ay isang round setup kung saan naghihintay ang attackers para ang kalaban ang gumawa ng unang hakbang, gaya ng pag-push o paggamit ng utility, bago gumawa ng aksyon.
Ang paglalaro ng default ay makatutulong para malaman ang kinalalagyan ng mga kalabang agent para mabigyan kayo ng mas magandang idea kung saan dapat mag-push.
Ang competitive tactical shooter ng Riot Games ay isa sa pinakamahirap na laro sa esports ngayon. Kailangan ng oras para masanay at matutunan ang lahat ng Valorant terms, calls, at comms na ginagamit ng mga player.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ipinaliwanag ng Valorant dev kung bakit hindi dapat nagfo-forfeit sa ranked