Tapos na ang Halloween, ngunit nagpasya pa rin ang Riot Games na maglabas ng isang nakakakilabot na skin bundle upang ipagdiwang ito.
May sa-multo ang datingan ng Soulstrife skin bundle, tampok ang gray at black na tema na parang pumupukaw ng mga espiritu, sapot ng gagamba, at kung anu-ano pang nakakatakot na bagay.
Saktong-sakto pa dahil tampok sa collection ang mga skins para sa Phantom, Spectre, Guardian, Ghost, at melee – kabilang ang tatlong silenced weapons na ang mga pangalan ay nagmula sa mga libro ng kababalaghan at katatakutan.
Mapapansin ng mga fans na may matalas na mata ang pagkakapareho nito sa Ruination bundle, na tampok din ang mga parehong weapons.
Ipagdiwang ang Halloween gamit ang Soulstrife skin bundle
Ang bundle na ito ay bagay kay Kamatayan. Ang melee skin ay isang karit, isang bagong knife model sa game. Dahil sa umiilaw nitong talim at tila mga espiritung dumadaloy dito, mukhang ginawa ito para kaladkarin ang kaluluwa ng mga kalaban papunta sa kabilang buhay.
Ang Soulstrife bundle ay may kasama ring bagong player card at spray. Sa player card ay makikita ang isang imahe na parang si Kamatayan na may hawak na karit, sa likod niya ay isang madilim na gubat na kakikitaan ng mga nagliliparang mga uwak.
Walang ibang variants ang Soulstrife skin bundle. Sa halip ay meron itong isang upgrade level para sa bawat isang weapon na nagdadagdag ng animation effects.
Pwede pa ring gumamit ng custom aim sa sights, pero wala itong kasamang custom audio effects o finishers.
Ang bundle ay naging available noong November 2 at nagkakahalagang 7,100 VP.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.