Simula ng inilabas ng Riot Games ang first-person tactical shooter game na Valorant, isa sa mga tinatanong ay kung magiging available ba ito sa console. 

Ilang taon na ang nakalipas, at mukhang may sagot na tayo. 

Valorant sa console  

Valorant
Credit: Riot Games

Mukhang positibo ang tanaw para sa mga console gamers na gustong subukan ang FPS game na ito. Sa isang panayam kasama ang GameSpot, sinabi ng Riot Games executive producer na si Anna Donlon na “definitely prototyping” na ang Riot Games para sa console. Ngunit sinabi niya na hindi ito priority ng kompanya, pero pinagiisipan pa rin nila ito. 

“If we feel we can deliver this experience on those platforms, we absolutely will,” sabi niya. “But we really want Valorant to stand for a certain type of gameplay and a certain type of experience. 

“It’s not a no, for sure.”  

Fingers-crossed at dasal na lang para matuloy ito. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.