Magsisimula ang unang VCT LAN ng 2023 season sa São Paulo, Brazil, na gaganapin mula February 13 hanggang March 4.

Ngunit dahil merong 32 koponan na maglalaro sa VCT Lock In São Paulo — 30 partnered organizations at dalawang invited representatives mula sa China — kinailangan ng Riot Games na magpatupad ng medyo hindi karaniwan at hindi delikadong format dahil na rin sa kakulangan ng oras.

Sa dalawang grupo na may tig-16 teams at isang single-elimination bracket, kalahati ng mga kalahok ang uuwi pagkatapos ng kanilang unang talo, isang mapait na simula pagkatapos ng ilang buwan ng pagsasanay sa kanilang mga bagong rosters.

Hindi nakakagulat ang hindi pagkatuwa ng mga pros dito, at marami sa kanila ang pumupuna sa format ng tournament.

Valorant pros pinuna ang VCT Lock In São Paulo format

VCT Lock In Brazil Teams
Credit: Riot Games

Ang head coach ng NRG Esports na si Chet “Chet” Singh ay kabilang sa mga nagsalita tungkol sa tournament.

“Fly to Brazil, have no info on the other team because it’s the first matches with new meta and it’s single elimination,” sabi niya sa Twitter. “What an absolute shit tournament to kick off the year.”

Bubuksan ng NRG ang tournament sa kanilang match laban sa European team na KOI, na pinangungunahan ng dating M3C player na si Bogdan “Sheydos” Naumov at Valorant Champions 2021 winner na si Patryk “starxo” Kopczyński.

Ang single-elimination format ay ipapatupad upang magkaroon ng pagkakataon na magkatapat ang mga koponan mula sa iba’t ibang rehiyon, sabi ng Riot. Sa pagtatapos ng group stage, apat na teams na lamang ang matitira. Ang mga koponang ito ay maglalaro sa semifinals at grand final, mula sa best-of-three patungo sa best-of-five series.

Gayunpaman, sa format na ito ay nangangahulugan na maraming mga koponan ang lilipad patungo sa Brazil, at posibleng mapauwi pagkatapos maglaro sa dalawang mapa kung sakaling matalo sila nang 0-2.

“Half of the teams eliminated after first match. That’s rough after 1.5 months of practice,”  sabi ni Kyrylo “ANGE1” Karasov, ang in-game leader ng NAVI.

Maraming sa mga team ang ngayon pa lamang ilalabas ang kanilang mga bagong rosters na maaaring nangangapa pa lang. Kasabay nito, kailangang ibasura ng mga coach ang mga dating playbook, dahil lumalabas na bago ang lahat nang laban na kanilang haharapin—  kabilang na ang isang bagong meta na walang Chamber.

Dahil dito, mukhang magiging masarap ang panonood ng mga viewers sa kani-kanilang mga bahay, dahil sa laki ng nakataya sa bawat laban sa simula pa lang. Make-or-break ito para sa bawat koponan, at lalaban sila upang maiwasan ang maagang pag-uwi.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.