‘Di ganon kahaba ang mga pagbabagong dala ng Valorant patch 6.01, pero dala nito ang mga kailangang pagbabago at bug fixes sa bagong mapa na Lotus.

Kasama na sa map rotation ng unrated at competitive queues ang Lotus, at inaasahang mapabubuti ng maliliit na refinements ang overall experience ng mga player. Kasama ng mapa ang Split sa queue, habang tinanggal naman muna ang Breeze at Bind.

Ang pinakamalaking pagbabago ay ang pagpapahina ng volume sa dalawang revolving doors ng mapa. Bagong mechanic ang mga naturang pinto na pwedeng buksan sa magkabilang banda. Kaso nga lang, pag ginamit mo ‘to, rinig ng halos lahat ng nasa lobby.

Mas tahimik na ang revolving doors sa Lotus salamat sa Valorant patch 6.01

Naayos na rin sa Valorant patch 6.01 ang mga bug sa Lotus
Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports

‘Di na mapangingibabawan ang ibang audio cues gaya ng footsteps at utility salamat sa mas tahimik na pinto.

Makikita ang mga pintong ‘to sa sa A Main at C Main, shortcut o alternatibong ruta para maikot ang mapa. Pag in-activate, iikot ang pinto saka sasara matapos ang ilang segundo. May saglit na panahon lang ang mga player para makatawid sa pinto, pero pwede rin itong gamiting pang biso.

Bukod dito, narito pa ang ilang bug fixes na hatid ng Valorant patch 6.01:

  • Tinanggal na ang inaabusong boost sa likod ng B site.
  • ‘Di na pwede maipit sa rotating doors.
  • May gumaganang vision cones na para sa nasisirang pinto sa may A Link.
  • ‘Di na pwede mawala ang spike sa likod ng A site.
  • Inayos na ang sirang Spike plant spot sa may A site.

Mababasa ang buong Valorant patch notes dito.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang bagong Valorant map cinematic, ipinaliwanag: Mga references mula sa Revelation trailer