Sinusubukan ng Riot Games ang mga iilang pagbabago sa mga agent flashes sa Public Beta Environment, na mukhang sasabay sa paglabas ng Valorant patch 5.07.
Na-apply ang mga adjustments sa parehas na initiators at duelists, katulad nina Skye, KAY/O, Reyna, at Yoru. Ang layunin nito ay patalasin ang mga unique na lakas ng bawat role at siguraduhin na hindi na-”outclass” ng mga initiators ang iilang duelists pagdating sa paggawa ng mga oportunidad para sa kills mula sa kanilang mga flash.
Iniba ang mga flash nina Skye at KAY/O para makapagbigay ng mas malaking halaga sa teamplay, at para gawing hindi magamit nang madamot. Halimbawa, ang mas matagal na unequip delay para sa parehas na flash ay mag-re-resulta sa mas mahirap na pag-swing matapos ang isang pop flash.
Sa kabilang palad, ang mga blinds nina Reyna at Yoru ay inadjust din sa Valorant patch 5.07 para maging mas madaling gamitin ng mga players.
Lahat ng mga pagbabago sa mga flashes nina Skye, KAY/O, Reyna, at Yoru sa Valorant patch 5.07
Skye
- Nagiba ang Guiding Light (E) flashbang scaling paradigm
- Ang max flash duration ng Guiding Light ni Skye ay naglalaro na ngayon sa 1.25s patungong 2.25s sa 0.75s charge up matapos ma-cast
- Hindi na maaring matira at masira ang Guiding Light
- Mga panibagong VFX, UI, at sounds ang dinagdag para mas ma-communicate ang bagong gameplay intent
- Tumaas ang unequip delay ng Guiding Light mula 0.75s patungong 0.85s
Ang pinakamalaking pagbabago kay Skye sa Valorant patch 5.07 ay ang bagong indestructibility ng kaniyang Guiding Light. Dati, madaling masira ang kaniyang hawk sa tuwing pinapadala ito sa malalayong lugar.
Umaasa ang Riot na mas mapapalago pa ang teamwork at para mapaiba ang Guiding Light sa ibang mga flash sa laro, lalong-lalo na kung ikukumpara ito sa mga duelists.
Ngunit mas naka-depende na ang flash duration nito sa paglipad ng hawk, at hindi na magiging kasing-epektibo ang mga pop flashes ni Skye kung ginagamit niya ito para sa kaniyang sarili lamang.
KAY/O
- Bumaba ang FLASH/DRIVE (Q) underhand (right-click) flashbang max duration mula sa 2s patungong 1.25s
- Tumaas ang overhand (left-click) flashbang max duration mula 2s patungong 2.25s
- Tumaas ang unequip delay ng kaniyang dalawang flashes mula 0.6s patungong 0.85s
Masiyadong nag-overperform ang underhand FLASH/DRIVE ni KAY/O kumpara sa mga ibang pop flashes tulad ng kina Phoenix at Yoru, ayon sa Riot. Sa kabilang palad, hindi nakakabigay ng malakas na reward ang kaniyang overhand flashbang para sa “mastery required to get them to pop in the right place.”
Ang mga adjustments na ito sa Valorant patch 5.07 ay nagpapahina ng kaniyang right-click throw kumpara sa duelist pop flashes, dahil kailangan “magbayad ni KAY/O dahil sa kaniyang versatility.”
Reyna
- Bumaba ang wind-up of Leer nearsight mula sa 0.6s patungong 0.4s
- Tinanggal ang range restriction ng Leer
- Bumaba ang nearsight unequip delay mula sa 0.7s patungong 0.5s
- “Instant” na ang nearsight unequip delay
- Bumaba ang duration mula sa 2.6s patungong 2.0s
Nag-underperform ang Leer ni Reyna bilang isang selfish entry tool, lalo na sa mga higher skill levels, sabi ni Riot. Ang mga pagbabago na ito ay magbibigay ng mas madaling bwelo kay Reyna sa tuwing sisilip siya matapos i-cast ang kaniyang Leer.
Kasabay niyan, ginawa ito para ma-”sharpen Leer as a powerful angle-breaking tool against Operators on maps with longer sightlines.” Isang halimbawa ay ang B Main sa Pearl, isang oppressive na anggulo para sa mga Operator.
Para mabalanse ang mga buffs sa Valorant patch 5.07, binawasan ng Riot ang value ng Leer sa tuwing tinatapon para sa mga teammates, kaya naman bumaba ang total duration nito.
Yoru
- Tumaas ang Blindside (Q) mula sa 1.5s patungong 1.75s
- Flash visual updates: Lumabas na sa likod ng ulo ng player ang 3P visuals para sa mga flashed na kalaban at kakampi sa oras na nagsimula nang mag-fade ng flash. Magbibigay ito ng malinaw na indikasyon kung na-full flashed ang player o kung nagsimula nang mag-fade ng flash.
- Lumiit na ang mga 1P visuals sa tuwing ito ay fully flashed para magbigay ng mas magandang indikasyon kung kailan matatapos ang isang full flash at kung kailang maguumpisa ang isang flash fading out.
- Pagtaas na window para sa assist ng flashes, nearsights, at concusses mula 1.s patungong 3s matapos magumpisa mag-fade ng debuff
Gusto ibalanse ng Riot si Yoru sa Valorant patch 5.07 ang kaniyang abilidad magtapon ng mga flashes habang nasa kaniyang Dimensional Drift ultimate. “We opted to go with a simple duration increase for Blindside as we feel the tuning counterplay around his flash and clone is important to avoid excessively frustrating situations,” sabi ng developer.
Basahin ang buong Valorant patch 5.07 notes dito.