Ang Valorant patch 4.08 ay magpapakilala ng pagbabago sa 5-stack RR gain na maaaring sumugpo sa smurfing, o mabawasan man lang ito para sa ilang ranks. Karamihan nang 5-stacks ay magkakaroon na lang ng 25 percent RR penalty na maximum, kumpara sa dating 75 percent.

Ang pagbabagong ito ay dinisenyo para sa mga players na gustong makasama ang mga kaibigan sa 5-stack, mga queues na hindi 5-stack , at pati na rin ang mas maliit na pool ng players sa mas matataas na ranks, ayon kay Jonathan “EvrMoar” Walker, Senior Competitive Designer sa Valorant..

Ibig sabihin nito ay mababawasan ang dahilan ng karamihan nang player base na gumamit ng smurf account para maglaro kasama ang mga kaibigan nilang nasa mas mababang rank dahil sa mas konting RR gain.

Paano gumagana ang bagong 5-stack system sa Valorant patch 4.08

Valorant Patch 4.08
Credit: Riot Games

Sa Valorant patch 4.08, ang mga players na may rank na Iron hanggang Diaond 2 ay hindi magkakaroon ng RR penalty kung ang lahat ay may tatlong rank na pagitan sa isa’t isa. Kung ikaw ay Gold 3, nangangahulugan na ang lahat nang kasama mo sa party ay nasa pagitan ng Silver 3 at Gold 3, o Gold 3 at Platinum 3.

Ang 25 percent RR penalty ay mangyayari kapag ang player ay nasa labas ng grouping, tulad ng kung ang isang Platinum 3 ay may kasamang Silver 3.

“We felt comfortable making this change because our data showed that we can make extremely fair matches for 5-stacks. So even if you have a wide skill disparity our matchmaker is making fair matches, which lets us reduce that penalty,” paliwanag ni EvrMoar.

Nag-aalala ang ibang players na ang bagong system ay makakalikha ng bagong backdoor para sa mga boosted accounts, pero sinabi ng Riot na babantayan nila itong mabuti at kukuha ng feedback upang maisaayos at kumpunihin ang system kung kinakailangan.

Bukod pa rito, may mga pagbabago rin na ginawa upang mabawasan ang waiting time para sa mga 5-stacks.Ang matchmaking system ay sumusubok na pagtapatin ang mga teams na may kaparehong average MMR para mabigyan ang bawat team ng 50 percent na tsansang manalo. Kung hindi man ito makahanap ng ka-match, maghahanap ito ng match na nasa labas ng range, ngunit magkakaron ito ng cap.

“We can make adjustments to how fast it moves to certain ranges, or how long it waits at them, you just need to make data-informed decisions. So once we knew how long specific groups need to find a match, and what range they need, we can adjust to get to those spots quicker,” binahagi pa ni EvrMoar.

Mababasa ang full notes para sa Valorant patch 4.08 dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.