Makakapanood pa rin ng high-level competitive play ang mga Valorant fans habang hindi pa naguumpisa ang VCT 2023 season.
Inanunsyo ng Riot Games ang isang kumpletong listahan ng Valorant off-season tournaments na gaganapin sa Valorant.
Ang layunin ng mga Valorant off-season tournaments na ito ay para makapagbigay sa mga teams ng isang “window for organized competition.” Ipapakita rin ng mga tournaments na ito kung paano gumaling ang mga squads sa off-season.
Nakipag-partner ang Riot Games sa mga esports organisasyon at mga sikat na Valorant personalities para mag-host ng iba’t-ibang klase ng Valorant off-season tournaments mula October 2022 hanggang January 2023.
Magkakaroon ng kanilang kakaibang “OFF//SEASON” event ang bawat tournament organizer ng mga Valorant off-season tournaments na ito na maaring magkaroon ng open qualifiers, show matches, at invitationals. Maaring asahan ng mga fans ang mga top players, established na personalities, at mga aspiring amateurs na lalahok sa mga Valorant off-season tournaments na ito.
Lahat ng mga Valorant off-season tournaments na gaganapin sa lahat ng rehiyon
Americas
G4 Rumble (October 1)
- Isang content creator tournament na magtatampok ng mga NA pros at streamers para sa US$20,000 at bragging rights.
Copa Rakin (October 24 to December 4)
- Isang all-128 Brazilian team tournament na may R$30,000 (US$5,570) prize pool.
BoomTV (November 8 to 13)
- Isang 12-team tournament na may agent pick at ban format.
Knights Arena Valorant Freezeout (December 15 to 18)
- Isang 256-team single-elimination bracket na may US$25,000 prize pool.
Spike Series Invitational (November 5 to 11)
- Isang Brazilian tournament na may R$20,000 (US$3,720) prize pool.
Vava TS Sunset (November 21 to 27)
- Isang tournament na hinost at pinroduce ng Beyond the Summit.
Valorant Latam Gods (November 28 to December 4)
- Isang invitational tournament na may apat na teams na lalahok sa Santiago, Chile.
Ludwig x Tarik Invitational (January 14 to 15)
- Isang event na hinost ng mga sikat na streams tulad nina Ludwig Ahgren at Tarik Celik. Magkakaroon ng isang pro international Valorant tournament at content creator exhibition matches ang event na ‘to.
Pacific
TEC Challengers Series (September 29 to October 13)
- Walong pro teams mula sa South Asia at Southeast Asia ang lalahok para sa isang tumataginting na US$30,000 prize pool.
TEN 5_Valorant Korea vs. Japan Showmatch (October 3)
- Isang showmatch sa pagitan ng DRX at Northeption.
Valorant India Invitational by Galaxy Racer (October 14 to November 20)
- Inimbita ang mga top international teams para lumahok sa isang “never before seen format.”
Penta Pro Series – Valorant (October 28 to December 18)
- Isang three-phase tournament na magtatampok ng mga South Asia at Southeast Asia regions.
TEN 5_ Valorant Special Match (November 4)
- Isang espesyal na off-season match sa pagitan ng mga pinakamahusay na Korean teams o APAC franchise teams.
Gwangju Esports Series GES Asia (Novermber 26 to 27)
- Apat na Asian teams ang maiimbita para lumahok sa isang single-elimination tournament.
WCG Rivals – Valorant: Korea vs Japan (December 16)
- Ang mga naimbita na Valorant influencers at pros ay lalahok para sa kanilang bansa at sa isang cash prize.
Afreeca TV SEA Invitational (November 29 to December 4)
- Isang tournament na tatagal ng isang linggo na kokoronahan ang best team sa Southeast Asia.
EMEA
Crossfire Cup Mediamarkt e Intel (October 3 to November 12)
- Isang tournament na hinost ng team sa likod ng VLR League ng Spain.
Valorant Regional League Türkiye Invitational (October 3 to 9)
- Isang tournament na isasagawa para sa mga Turkish players.
Valorant Regional League Dach Evolution: Unity (October 3 to December 18)
- Isang offline tournament na gaganapin sa Dreamhack Hannover, Germany.
Red Bull Home Ground 2022 (October 7 to December 11)
- Isang invitational tournament na magtatampok ng mga best teams sa EMEA na lalahok sa isang “Home and Away” format.
BME Superdome (October 13 to 22)
- Isang tournament na magtatampok ng mga top MENA at EMEA teams na lalahok para sa isang US$30,000 grand prize.
G-Loot Valorant Clash (October 21 to November 27)
- Isang open tournament para sa lahat ng Valorant pro teams mula sa EMEA region.
Coupe de France (October 27 to December 12)
- Isang online tournament na lilipat sa LAN setting sa finals. Kokoronahan ang champion sa Occitanie esport event.
Lyon e-Sport (November 11 to 13)
- Isang 32-team open LAN tournament nagaganapin sa Lyon, France.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa lahat ng Valorant off-season tournaments, pumunta dito.