Mobile at mataas ang killing potential ng ika-anim na duelist ng Valorant na si Neon salamat sa kakaibang set ng abilities nito.
Meron siyang double-stun ability, ang Relay Bolt, na pwedeng gamitin para makapag-clear ng defensive positions gamit ang mabibisang lineups.
Matapos makasali sa early access PBE (public beta environment) ng Riot Games at bilang preparasyon para sa Valorant Episode 4 Act I, gunmawa ang ONE Esports ng tatlong lineups na pwedeng gamitin sa Icebox.
Valorant Neon guide: 3 Relay Bolt lineups sa Icebox
Hindi kailangan na sobrang specific ng Relay Bolt lineups ni Neon, ‘di gaya ng Recon Bolt ni Sova, dahil inaasahan ang mga duelist na mag-entry frag para sa kanyang koponan. Siguraduhin lang na maibabato niyo ang stuns habang pumapasok sa site.
Merong mga Relay Bolt lineups din na pwedeng gamitin nang malayuan sa Icebox, pero dapat may kakampi kayo na papatay sa mga kalabang tatamaan ng stun.
A-site generator at rafters
Medyo delikado dahil maraming bukas na anggulo kaya’t siguraduhing mag-ingat bago ibato ang Relay Bolt ni Neon dito. Itutok niyo ‘yung crosshair sa taas ng generator. Tatamaan nito ang mga defenders na nagho-hold sa likod ng generator at mga nasa rafter.
A-site rafter at generator (mula sa belt)
Isa pang simpleng Relay Bolt lineup na pwedeng gawin, pero mula naman ‘to sa A-belt. Tutukan niyo ‘yung rafters para bumanda ‘yung stun at tumama sa back site at sa generator. Mabisa ang lineup na ‘to para makapag-take ng site.
B-site default (mula green)
Magagamit ang lineup na ‘to para matulungan ang attacking team na makapag-plant dahil tatama ito mismo sa B-site. Tutukan niyo ‘yung shipping container sa taas ng site para makabanda ‘yung Relay Bolt pababa.
I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para maging updated sa Valorant news, guides, at highlights.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.